EPILOGUE

18.6K 495 155
                                    


JEREMIAH GARCIA




It's been one week since na nagkaayos kami ni lila. Nagstay pa kami ng mahigit apat na araw sa resort bago kami bumalik sa Manila kung nasan ang reyalidad.

Napapangiti na lang ako pag naaalala ko ang mga ginawa namin sa resort. Walang kapantay na kasiyahan. Lahat ng problemang kinakaharap ko, nakakalimutan ko pag siya ang kasama ko.

Ganito nga siguro kapag inlove kana. Kahit naubusan kana ng ulam, nakangiti ka parin.

Ang conyo ko. Kadiri!

At nang makabalik kami sa Manila, unang hakbang na ginawa namin ni lila ay ang kausapin ang mga magulang niya. Laking gulat naman ni lila ng masayang tinanggap kami ng mommy niya, lalong lalo na ang daddy niya. Napangiti na lang din ako ng maalala ang araw na 'yun. 'Yun din ang araw na buong puso akong tinanggap ni Tito Hector. Siya na mismo ang nagsabi sa'kin na "Tito Hector" ang itawag ko sa kanya. Kaya halos matunaw ang puso ko sa sobrang saya.

"Jeremiah, your turn." biglang saad ni Juno

Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Agad akong pumasok sa registrar office para mag enroll. Enrollment na kasi naman for second semester. Akalain mo nga namang nakapasa ako. Hindi lang pasa, mataas din grade ko. Halos halikan ko na ang card ko ng makitang matataas ang gradong nakuha ko. Salamat talaga at kahit papaano, hindi naapektuhan ang pag-aaral ko.

Thank you Bro! Da best ka talaga!

Nang makapag enroll ako, nakangiting lumabas na ko. Naabutan ko pa si Selene na busy sa cellphone niya habang si Juno na nagbabasa ng kung anong libro.

"May pupuntahan paba kayo?" Tanong ko sa kanila

Saglit pang tumingin sakin si Selene bago binalik ang atensiyon niya sa cellphone niya. "May pupuntahan pa ko." Selene said

Tumango naman ako. "Tara na?" They nodded at me.

Kaya eto, sabay sabay nga kaming naglalakad. At sabay-sabay din ang natatanggap kong masamang tingin galing sa mga estudyanteng nakapaligid sa'kin. Napangiwi na lang ako. Hanggang ngayon, hindi pa ko nasanay.

"Where are you going Selene?" Juno asked her

"I'm going to visit Achi." nakangiting sagot nung isa. "I want to see her." dagdag niya

Napailing na lang ako. Napag-alaman ko din na kinukulit pala niya ang dating doctor ni lila. Nagulat pa nga ako ng malaman 'yun dahil buong akala ko, straight si Selene. Hindi pala, kasama pala namin siyang magiislide sa rainbow.

"Gusto ka ba makita ng tao?" tanong ni Juno

"Of course ! Selene Kendra na ang nalapit sa kanya, mag-iinarte paba siya?" hambog na sagot ni Selene

Napailing na lang ako sa loob-loob ko. Magkaibigan nga talaga sila ni lila. Parehas mahilig magbuhat ng sariling bangko.

"I think, she's not interested in you." walang kagatol-gatol na sagot ni Juno

Her eyebrows met. "What the hell Juno?"

Juno shrugged her shoulder. "Tama ko diba? Hindi siya interesado sayo. You're just a Selene Kendra. A nobody to her."

Napangiwi ako. Ang sakit nun. Pramis!

Nagtaka pa ko ng biglang ngumisi si Selene. Okay? "Oh. Glad to say, that she likes me too. Our feeling is mutual." nakangising sagot ni Selene.

"Yeah. She likes you, as a sister." Juno smirked at her

"You bitch! I don't wanna see your fcking face! Hmp!" then she walkout

Craving You Where stories live. Discover now