Chapter 30

12.7K 380 14
                                    


JEREMIAH GARCIA




Nakangiting nakatitig ako ngayon sa babaeng kasama ko. Masaya siyang nagluluto ng hapunan namin. Walang kapantay na saya ang nararamdaman ko ngayon.

Matapos ang nangyari kanina sa labas, abot-abot na kurot at hampas na natanggap ko sa kanya. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit para hindi masyadong matorture ang braso ko. Masakit ee.

"Why are you smiling like that?" nakataas kilay niyang tanong

Lalo akong napangiti. Kitang kita na ang laki talaga ng pinayat niya. Malamlam din ang mata niya. Pero kahit ganun, maganda parin siya.

"Stupid!"

Napapitlag ako sa biglang pag sigaw niya. Juskopo! "Wala po. Masaya lang ako ngayon." sagot ko

"And why?"

Napakamot ako sa tungki ng ilong ko. Sungit parin niya. Hmp! "Kasi kasama na kita." nakangiting sagot ko

Her face soften. "So cheesy"

I chuckled. Wala parin siyang pinagbago. Ayaw parin niyang aminin sa sarili niya na kinikilig siya sakin. Hmp!

"Dinner is ready." nakangiting saad niya

Tumayo naman at lumapit sa kanya para matulungan siya sa paghahanda ng mga pinggan. At ng matapos kami, masaya akong umupo sa tabi niya.

Napanganga ako ng makita ang ulam na niluto niya.

Hindi nga? Ito ang niluto niya? Weh?

Mukhang mapaparami talaga ang kain ko nito.

"Noong nasa Hospital ako, I always asked Jazmine about you. I also asked her what's the thing do you likes and don't likes, your favorites, your hobbies." kwento niya "I remember when she told me na paborito mo daw ang ulam na 'to. Kaya naisipan kong 'yan na lang ang lutuin." nakangiting dagdag niya

Pakiramdam ko natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tama si Jaz, talagang ako ang bukambibig ni lila habang nasa Hospital siya. Ako parin ang iniisip niya kahit na sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya. Kahit na iniwan ko siya, ako parin ang mahal niya.  Napakagat labi ako para pigilan ang luhang gusto kumawala sakin. Ang tanga mo Miah para saktan siya.

"I'm sorry." mahina kong saad

She held my hand. "It's okay. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon."

I kissed her hand.

Sobrang namiss ko ang bruhang 'to. Kahit na lagi kaming aso't pusa, kahit na ang sungi sungit niya, mahal na mahal ko parin siya.

Hay. Hulog na hulog na nga talaga ako.

"Lets eat." nakangiting saad niya

Tumango lang ako bilang tugon. Ako na ang nagsandok ng pagkain niya. Saglit pa siyang umangal pero hinayaan na din naman ako. Napangiti na lang ako ng makitang namumula ang buong mukha niya.

Ganda talaga.

"What do you want? Pakbet? or Ginataang Langka?" tanong ko

"Both" she smiled sweetly

Hay. 'yung puso ko nalaglag na sa floor.

Nakatingin lang ako sa kanya habang masigla siyang kumakain. Sunod-sunod lang ang pagsubo niya lalo na sa ginataang langka na sa tingin ko, pinaka nagustuhan niya. Nagtaka naman ako. Matagal na siyang kumakain nun?

"Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba?" nagtatakang tanong niya

Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi naman. Napapaisip lang." nakangiting sagot ko

Craving You Where stories live. Discover now