Chapter 24

10.3K 337 46
                                    


JEREMIAH GARCIA



Nakangiting humarap ako sa salamin.

Walang duda. Ang ganda ko talaga.

Yikes!

Nakasuot ako ng fitted short shorts na tinernuhan ng polo hanging blouse na stripes. Kaya masasabi kong, maganda talaga ko.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Jaz. Birthday kasi ni Penelope kaya dito na ko dumeretso sa bahay ni Hasmina pagkatapos ng klase namin para sabay na kaming pupunta sa bahay ni Penelope. May pa-pool party ang gaga.

Napatingin ako sa relos ko. Maaga pa naman. 7:00 o'clock kasi ang start ng party ni Pen. 6:00 palang ngayon kaya may oras pa kami para mag ayos. Wala na naman akong aayusin pa dahil maayos na ang itsura ko. Maganda na ko. Si hasmina na lang hinihintay ko. Balak ata mag gown ng gaga.

Nabalik lang ako sa wisyo ko ng maramdaman ang pag vibrate ng phone ko na nasa bulsa ko lang.

Agad akong napangiti ng makitang natawag ang labidabs ko.

Yiiee.

Miss na siguro ako nito. Haha

"Hi labidabs!" agad kong bungad

Isang tawa lang ang narinig ko mula sa kanya. Hayy! Ang sarap talaga pakinggan ng tawa niya.

( "Labidabs? Pangit naman." )

Napanguso ako. Grabe naman kung makapangit.

"Hindi kaya. Cute kaya."

( "Iww Jeremiah. Wala ka talagang kataste taste. Iba na lang itawag ko sa'kin, wag 'yan." )

Napaka kamot ako sa ilong ko. Ang arte talaga ng babaeng ito. Nako talaga!

"Oo na po." sumusukong tugon ko

( "Good. By the way, nasan kana?" )

Agad naman akong napangiti dun. Yiiee Hinahanap ako. "Sa bahay pa ni Jaz. Bakit? Miss mo na ko?" nakangiting sagot ko

( "Miss your face Jeremiah. Ang tagal mo." )

"Yiiee. Edi miss mo nga ko."

( "No. I'm not." )

Napasimangot ako.

No I'm not nyenye. Miss naman talaga niya ko. Ayaw pa aminin. Napaka pakipot talaga ng girlfriend kong ito. Tssk.

"Nandiyan kana ba kina Pen?" pag iiba ko sa usapan.

( "Yup. At kanina pa kita hinihintay. Bakit ba kasi ayaw mo pa tumuloy kanina sa mansion. Edi sana magkasama na tayo ngayon. Pabebe ka talaga Jeremiah."  )

Napakagat labi ako.

Parang akong kiti-kiti dito na nagpapaikot ikot sa sofa ni Jazmine.

Eee kinikilig ako ee. Bat ba!

Nakakakilig siya kahit na tinawag niya kong pabebe. Hmp! Pabebe din naman siya ee. Ayaw nga magpakiss. Para kiss lang. Nakakatampo talaga.

"Nakakakilig ka naman po." nakangiting tugon ko

( "HAHA. Funny Jeremiah. Bilisan mo na dyan." )

Napanguso ako. Tingnan mo! Siya nga itong pabebe sa'min.

Kaya kasi ayaw kong sa kanila tumuloy dahil nabanggit sakin ni Jaz na wala siyang kasama papunta kina Pen. Ayaw ko namang iwan mag-isa itong bestfriend ko lalo na't hindi nagpaparamdam si Lau sa'min. Isa pa iyong kaibigang kong 'yon. Hindi na talaga nagparamdam. Ni anino, wala! Tsk.

Craving You Where stories live. Discover now