Chapter 02

162 35 36
                                    

Naggising ako dahil sa alarm clock ko. Kahit na tinatamad ako kay sinubukan ko pa ring bumangon para maligo. Hay. Itong mahirap sa college. Hindi ka dapat basta-basta lang umabsent. Halos tatlong linggo na akong wala sa klase.

Nang makalabas ako sa C.R ay napahinto ako nang makita ko na naman ang babaeng kahapon pang hindi nawawala sa paningin ko.

"Ay, bastos!" ika niya saka mabilis na tumalikod. Napatingin naman ako sa sarili ko. Naka-towel naman ako, ah.

"Hoy! Bakit ba hindi ka pa rin umaalis?!"

"Aalis na nga!" she replied and ran quickly out of my room.

Natulala naman ako sa nangyari. Man. All this time... katawan ko lang pala ang katapat! If I just knew, kahapon pa ako naghubad sa harap niya.

When I opened my closet, napatigil ako nang makakita ako ng isang feather. Saan naman galing 'to? Paanong may nakapasok na manok sa kwarto ko?

Hindi ko na lang pinansin saka itinuloy na ang pagbibihis. Nang matapos ako ay agad akong lumabas na ng kwarto. Ngunit, napaatras na naman ako nang magulat ako sa mukha ng babaeng—tangina? Bakit nandito pa rin 'to?!

"Ano ba?!"

She just smiled at me.

"Ano?!" sigaw ko pa.

"Timo, you okay?" napahilamos na naman ako sa aking mukha nang marinig ko ang boses ni Auntie mula sa baba. Shit. Bakit ba laging nange-eksena 'yun sa tuwing naiinis na ako sa babaeng 'to?! Anghel ba talaga 'to?

Hindi. Walang anghel. Tanga ang naniniwala sa anghel.

"Ah, sir. Baba na raw po kayo, hinanda na po ni ma'am Helena ang umagahan niyo." ani Yaya Jem nang makita ako.

Sumunod na lang ako kahit na naiinis ako dahil hanggang ngayon ay nakasunod pa rin 'tong white lady na 'to. Akala ko uupo rin siya sa tabi ko tulad kahapon ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ko.

"Sure ka na bang papasok ka ngayon?" Aunt asked. I just nod. Obviously, magbibihis ba ako kung hindi? Tsk.

"Alam mo, okay lang naman kung hindi ka pa sigurado. Nandito naman ako para bantayan ka." sambit pa ni white lady. Dahil sa inis ay naisipa ko ang upuan kung saan siya nakatayo. Sabat-sabat pa, eh.

"Are you really okay, Timothy?" nagtatakang tanong ni Auntie. Puro na lang ganyan ang tanong. Mukha ba talaga akong hindi okay? Hindi ba siya nagsasawa?

"Just... a lizard..." I lied. Obviously, hindi na-convince si Auntie. Tsk. Ano ba kasi talagang klaseng nilalang 'to? Baka mamaya biglang ipapadala ako sa mental hospital, e.

Tangina, baka nae-engkanto ako.

***

"Bro, may kikitain daw 'tong si Ian mamaya. Gusto mo sumama?" bulong ni Paolo sa'kin.

Napailing naman ako sa kagaguhan nila. "Kitain pa nga, hindi naman paninindigan." pabulong din na saad ko. Matik palalabasin kami kapag nahuli kami ng teacher namin.

"Mukhang seryoso nga si Ian. For the first time and forever. Akalain mong pumayag sa simbahan na makipag-meet up? Puta." hindi na napigilan ni Paolo ang matawa kaya naman ay nahuli siya ni Prof.

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon