Chapter 35

78 18 27
                                    

"What are we doing here?" Instead of answering me, he just continued walking like as if he didn't hear what I've just said. "Naver, could you please—" napahinto ako sa nakita ko. Agad akong napaupo sa harap ng puntod nito.

Proverbs Celi
Died: July 7

Burado ang nakasunod na mga letra sa pangalan nito pati ang year. Fuck. I can't believe this... "What is the meaning of this..."

He smirked. "Today is July 6. Tomorrow is her death anniversary."

Tumayo ako. "What happened to her? Do you know what's her last name?"

"Hindi," he sighed. "Kung napapansin mo, walang born day, it's because nakunan ang nanay dahil sa stress dahil ayaw siyang panindigan ng nakabuntis nito."

So that means... she has a broken family? "Kilala mo ba kung sino ang magulang niya?"

"Hindi na importanteng malaman," sagot niya saka binaling ang atensyon sa lapida. "Kung papansinin mong mabuti ang araw ng pagkamatay niya, may naaalala ka ba?"

I creased my forehead. This is confusing. "July 7?" Napaisip naman ako kung anong meron. Wala namang magandang event na nangyari last year.

"The lines," oh, shit. "It symbolizes her birth in heaven. Lumaki siya sa langit. Binaba para sa isang misyon."

And that is to change me...

"Maliban sa tulungan ka para ipakita ang mundo, ang kanyang misyon ay isa ring hangarin mula sa isang anghel noon." He added.

"What are you talking about?" Man, I can't comprehend the things he's saying. Ang hirap intindihin.

"Gusto mong malaman kung sino ang anghel na naghangad ng kanyang misyon?" He crossed his arms, still smirking.

"Are you trying to ruin me again? To distract me from searching where Proverbs is?"

"Hindi. Gusto kong malaman mong minsan na ring nagkaroon ng bantay na anghel noon ang kanyang ina, nasa loob pa siya ng sinapupunan ng kanyang ina habang nasa tabi nito ang kanyang anghel, nagsisilbing kapatid niya, natapos nila ang kanilang misyon ngunit hindi natupad ang hangarin ng kanyang ina."

"Do you know what was it?"

"To make the clock reverse."

"What?!"

"You actually know who was her angel."

I frowned. "Who."

He gave me an evil laughed. "Masyado ka nang madaming alam. Ako nga pala si Cronus, ang diyos ng oras." after he said those words, he immediately turned to a crow again.

Naiwan akong tulala. Hindi ko maintindihan. The seven lines symbolizes her birth—her powers. Her mission was a desire from another angel—anghel na kilala ko raw. I wonder who was it. I was thinking about the old man... hindi kaya, siya?

Napahilamos ako sa aking mukha. I need to find Proverbs first.

***

"Hindi kaya, ipa-blotter na lang natin siya?" Ian suggested through a phone call.

Hiningi ko na ang tulong ng mga kaibigan ko. Naghiwa-hiwalay kami para sa more possibilities. "No. Hindi pwede." sagot ko habang bumababa mula sa rooftop ng hospital nina Angelo. She has no identity, baka magtaka ang mga tao.

"Bakit naman hindi? Para nga mapadali ang paghanap, e!" It was Paolo's voice.

Natigilan ako nang may makita akong feather. It was a wet feathers!

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon