Chapter 13

96 33 35
                                    

Matapos ang misa, dinala ako ni Timothy sa pagkainan na nagngangalang Mcdonald's.

"Ang tawag dito ay fries, or shall I say french fry." aniya habang pinapakita sa akin ang isang mala-dilaw na pagkain. "This is my favorite."

"Favorite mo 'yan? E, mukhang hindi naman nakakabusog 'yan."

"Well, hindi mo lang talaga naaappreciate, because you're not like me."

"Kumain ka na nga lang ng maayos. Puro ka naman demonstrasyon kung paano sumubo e hindi naman kaaya-ayang tignan!" natatawang saad ko nang may pa-pikit pa siyang nalalaman matapos niyang ipasok sa bibig niya ang french fries.

"Para naman in case, kung wala ako sa tabi mo, alam mo na kung anong gagawin."

"Hindi na mangyayari ulit 'yan. Hindi ko na hahayaang mawala ka ulit sa tabi ko."

Natawa siya. "Why so serious? I mean, after 100 days, eh 'di ba maghihiwalay na rin tayo ng landas—" natigilan siya sandali. "...oh yeah, sorry. Nawala sa isip ko."

Ngumiti na lang ako saka nagsimulang kumain. Nagtataka pa rin talaga ako sa mga kinikilos ni Timothy. Masaya naman akong nakikita ang pagbabago niya, hindi na siya 'yung laging mainitin ang ulo kapag kinakausap. Tapos nagku-kwento na rin siya ng mga kung ano-ano. Nakikita ko talagang may pagbabagong nangyari ngayon kumpara sa mga nakaraang araw na tila bang nakatago siya sa isang madilim na lugar na mahirap hanapin.

Pasikreto akong tumingin sa kwintas ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung ano bang ibig sabihin nito. Kailangan kong puntahan si Naver.

"Timothy..."

"Yea?"

"Alam mo ba kung saan nakatira si Naver?"

Sinimangutan niya ako. "Ano bang pake ko sa Naver na 'yun?"

"Eh... may itatanong lang sana ako sa kanya."

"Ano bang itatanong mo? Nandito naman ako."

"Hindi. Tatanungin ko lang sana siya tungkol dito sa kwintas ko."

Inikutan niya ako ng mata. "Ano bang itatanong mo? I'll just ask him tomorrow at school. I don't know where he lives."

"Sama ako!"

"What? Hindi pwede."

"Tatambay lang ako sa kotse mo? Para hindi nila ako makita. Atsaka ayoko nang napapaligiran ng maraming tao."

"I don't think it is a good idea."

Pinakita ko sa kanya ang pulso ko. "Tignan mo 'to, wala na akong kapangyarihang magagamit—ano 'to?" natigilan ako nang may makita akong tatlong guhit sa kamay ko. "Bakit..."

"Why? What's wrong?"

Sinubukan ni Timothy na hawakan ang mga guhit sa pulso ko nang napaaray ako dahil nakaramdam ako ng pagkapaso. At dahil sa nangyari ay napatingin ang ilang tao sa amin. Nakikita pa nila ako... akala ko bumalik na ako sa pagka-invisible na anghel. Bakit bumalik ang mga linyang 'to sa kamay ko? Anong ibig sabihin nito?

"Fuck." agad na napatingin ako kay Timothy nang makarinig ako ng daing niya.

"Timothy, okay ka lang ba?"

"No. I was just... shocked." sagot niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nararamdaman ko na ang palad ko kaya nakikita kong nagsisinungaling siya. "Nagsisinungaling ka."

"No. Let's just get out of here." tumayo siya at nagsimula nang maglakad paalis kaya sumunod na rin ako.

Bago ako makasakay sa kotse ay napatingin ako sa palad ko. Nagiging kulay pula na. Anong ibig sabihin ng mga ito? At isa pa, tinuloy nito ang mga natirang guhit.

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon