Chapter 26

90 25 46
                                    

"Dito ka lang sa library, ah. Huwag kang aalis. Babalikan kita dito." sabi ni Timothy nang maihatid ako sa library ng school nila. May aasikasuhin daw kasi siya ngayon dito sa school niya. Hindi ko na alam kung ano pang dahilan, basta ginawa ko na iyong pagkakataon para pumuntang library dahil maaaring masasagot nito ang mga tanong ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Sino kaya ang matandang iyon? Bakit bigla na lang siyang nawala na animo'y may kapangyarihan ding taglay. Bukod sa pakiramdam kong magkatulad kami ay parang malapit siya sa puso ko. Ang gaan ng loob ko sa kanya kumpara sa kaibigan kong anghel dito sa mundo na si Naver.

Binati ako ng taga-bantay ng library nang tuluyan ang makapasok. Binati ko rin siya saka nagtanong kung saang banda ba napwesto ang diksyonaryo. Bigla ko kasing naalala na may binigay na diksyonaryo sa akin si Naver dahil malaki rin ang naiitulong no'n para sa aming hindi taga-mundo.

Umupo ako sa isang sulok nang makuha ko ang libro. Una kong hinanap ay ang Love.

Alam ko naman kung ano ba talagang ibig sabihin nito. Gusto ko lang malaman kung ano bang ibig sabihin nito sa mundo ng mga tao.

Love
an intense feeling of deep affection.
a great interest and pleasure in something.
feel a deep romantic or sexual attachment to (someone).

Romantic?

Pumasok agad sa isip ko kung anong sinabi ko noon kay Timothy. Iyong mga araw na dine-date niya pa si Jenny. Ibig sabihin ba...

"Liar." halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Naver at ibinagsak ang libro na dala niya sa mesa ko. Diksyonaryo rin ang dala niya.

May itinuro siyang kataga kaya napatingin ako dito. Liar nga iyon.

"A person who tells lies." binasa ko para sa kanya. Masama ko naman siyang binigyan ng tingin. Bakit niya ba ginagawa 'to?

"Tandaan mo. Masama ang nagsisinungaling." aniya na siyang ikinakunot ng aking noo.

"Hindi naman ako nagsisinungaling." depensa ko pa.

"Bakit hindi mo sinabing patay na ang mga magulang niya? Na nasa kamay mo lang ang buhay nila? Hindi mo ba naaalala na sinabi ko sa'yong isang kasinungalingan lamang ang sisira sa misyon niyo? Nakakalungkot isipin na mas binigyan niyo ng pansin ang pag-ibig na sinabi ko."

Napatayo naman ako sa sinabi niya. "Hindi totoo 'yan."

"Mahina 'yung guardian object mo, Proverbs. Hindi na rin ako magtataka kung bakit," sabi niya pa. Naalarma naman ako bigla nang akmang hahawakan niya ang kwintas ko kaya agad ko itong iniwas. Natawa siya ng mahina ng gawin ko iyon. "At ngayon na wala ka nang tiwala sa 'kin?"

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko akalaing ganito na ang sinasabi sa akin ni Naver. Hindi ko alam kung ano bang tawag sa nararamdan ko ngayon dahil bago ito sa akin. Pakiramdam ko nagagalit ako sa kanya. Hindi ko mawaring pagkakamalan niya akong sinungaling.

Napailing na lang ako. "Ginagalit mo ba ako?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iba ang kanyang sinabi. "Kailan mo ba sasabihin na isa sa mga natirang feathers mo ay buhay ni Timothy at ng mga magulang niya? Na ikaw ang dahilan kung bakit natutulog pa rin ang mga magulang niya? Na kapag 'yan nahawakan ng isang tao, tiyak na mauuwi sa wala ang lahat?" aniya pa saka nagkibit-balikat.

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon