Chapter 28

96 24 32
                                    

Nang masiguro kong nakatulog na si Timothy ay naisip kong lumabas at tumungong simbahan. Nang makarating ako roon ay isang madre ang bumungad sa akin.

"Jusko, mukha kang si Maria," komento pa ng madre nang makita ako. "Naparito ka, anak? Ang aga mo namang napabisita?"

Ngumiti ako. "Gusto ko lang pong pumarito. Pwede niyo ho ba akong samahan?"

"Oh, sure," umupo siya sa tabi ko. "Malungkot ka talaga siguro 'no? Masyado kasing maaga ang alas quatro ng umaga para sa misa gayong hindi pa naman nagpapasko." natawa siya ng kaunti sa inasal niya.

"Uhm... opo. Ang hirap palang magmahal sa maling paraan, ano." panimula ko.

Natawa ng mahina ang madre. "Mga bata nga naman, oh. Iha, walang maling paraan sa pagmamahal. Anong klaseng pagmamahal ba ang tinutukoy mo?"

Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita. "Eros?" aniya. "Tama ba ako, anak?

Tumango naman ako. "Mali po talagang nagmahal ako kahit na alam ko rin namang sa huli ay aalis din ako."

"Pabalik ng langit?"

"P-Po?"

Huminga siya ng malalim saka ibinaling ang atensyon sa harap. "Hindi mo ako katulad ngunit minsan na rin akong nagkaro'n ng anghel."

"P-Paano niyo pong napansin?"

"Ginto," aniya saka nilingon ako. "Nakikita ko ang ginto sa iyong mga mata. Wari nawa'y hindi man napapansin ng ibang tao ngunit ako, kabisadong-kabisado ko ang kanilang mga tingin."

"Nasa'n na po 'yung guardian angel niyo?"

"Hindi kami nagwagi."

"P-Po? Bakit naman po? Ano po bang nangyari?"

Ngumiti siyang ng malungkot. "Hindi ko alam. Umabot naman kami ng isang daan ngunit nagtataka ako't bakit nararamdaman ko pa rin ang kanyang presensya ngayon. Mahigit dalawang dekada na ngunit pakiramdam ko ay nandito pa siya sa lupa."

"Ano po bang ibig niyong sabihin?"

"Bukod sa nararamdaman kong nandirito pa siya ay hindi pa natutupad ang aking hiling. Hindi ko alam, parang may masamang nangyari sa kanya pagkatapos."

"Dahil ba 'yun sa Eros?"

Umiling siya. "Anak, tandaan mo. Love is the greatest power of all. Hindi dahil nasasaktan ka ay dahil sa nagmahal ka," ika niya saka muling binaling ang atensyon sa altar at itinuro ang imahe ni Hesus. "Tignan mo, bakit nakapako siya kahit na alam naman nating wala siyang kasalanan?"

"Dahil mahal Niya tayo, ayaw Niyang tayo ang masaktan."

"Hmm. Bigyan mo pa ng isang malalim na ibig sabihin." ika niya.

"Sakripisyo," sagot ko saka tumingin sa kanya. "Love is sacrifice."

"Tandaan mo, kung aalis ka na, sisiguraduhin mong nasa mabuti siyang kalagayan. Masasaktan man kayong dalawa ngunit kailangan niyong magsakripisyo para sa ikabubuti ng isa't isa." kumunot ang noo niya nang may mapansin siya sa aking mukha.

Nakonsensya naman agad ako. "May weird po ba sa mukha ko?" tanong ko.

"Napapansin kong may kakaibang kulay rosas ang pumapalibot sa iyong mukha. Hindi ko matukoy dahil hindi ko naman nakita ito noon sa aking anghel."

Kulay rosas?

Agad naman akong napatingin sa aking palad ngunit wala namang ibang babala. Kahit sa pulso ko.

"Tatlong linya?" akmang hahawakan niya ang pulso ko nang agad ko itong inilayo sa kanya.

"Baka po mapaso kayo," sambit ko. "Naggamit ko po 'to kasi—"

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon