Chapter 12

96 36 35
                                    

Nang maggising ako ay agad na hinanap ng mata ko si Timothy nang malaman kong nasa tabi ko lang pala siya... hawak ang aking kamay at mahimbing pang natutulog habang nakaub-ob na tiyak ay nakatulog lamang habang binabantayan ako.

Binabantayan?

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Hindi siya tulad ng kaba o pagod. Posible pa lang tumibok ang puso kapag masaya?

Dahan-dahan akong bumangon para hindi maggising si Timo. Kawawa naman, nakaupo lang siya sa sahig. Natulog ba siyang ganito ang posisyon?

"Aray!" daing ko nang muli akong bumagsak sa couch na hinihigaan ko. Biglang sumakit ang likod ko.

At dahil sa ginawa ko ay naggising si Timothy. Mukhang nagulat pa siya nang makita niyang gising na ako. "Are you okay?"

Inalalayan niya akong bumangon. Nang makaupo ako kay ilang segundo pa kaming nagtitigan hanggang sa nagkaiwasan kami ng tingin. Ano ba 'to? Bakit parang kakaiba?

"I'm sorry for what happened last night." puna niya. Mabuti naman at hindi niya itinuloy ang masamang balak niya.

"A-Anong nangyari sa akin?"

"You passed out again." maikling sagot niya.

Nginitian ko siya. "M-Mabuti naman at h-hindi mo itinuloy ang m-masama mong balak." hirap na asal ko. Bakit ba ang sakit-sakit ng likod ko?

"Yea..."

Bakit parang naiilang siya?

"T-Timothy... okay ka lang ba?"

Iniwas niya ang tingin sa akin. "I just really don't know what to say."

Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto kong nabigo kami sa aming misyon. Malungkot akong ngumiti kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "S-Sorry, Timo... hindi ata ako naging mabuting anghel sa'yo—"

"My parents miraculously back alive."

Nagulat ako sa sinabi niya. "A-Ano?"

Tumingin na siya sa akin. "That time before you fainted I was telling you that the feather on your necklace that just vanished was back and right after that my Aunt called me saying that my parents miraculously returned their lives."

Iyon ba ang sinasabi niya habang nawawalan ako ng malay? Pero hindi nga. Paanong...

"Does your back still hurt?" nagulat ako sa tanong niya.

"A-Anong nangyari sa akin?"

Iniwas niya agad ang kanyang tingin sa akin saka tumayo. "Nevermind," aniya saka pumuntang kusina at bumalik na may dala-dalang bowl. Umupo siyang muli sa harap ko.

Nagulat na lang ako sa ginawa niya. "S-Susubuan mo ako?"

"Uh, unless if you want to..."

Kukunin ko na sana sa kanya ang bowl nang bawiin niya ito ulit. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. "Just let me be."

Hindi ko mapigilang magkunot-noo na lang. Ano bang nangyayari kay Timothy? "Sigurado ka bang okay ka lang?" hinawakan ko ang kanyang noo ngunit mabilis naman siyang umiwas. Mas lalo akong nagtaka. Ano bang talagang nangyayari?

"Of course. Bakit naman hindi?"

Hindi ko pa rin maiwasan ang magtaka. Tumingin na lamang ako sa kwintas ko. Totoo nga na bumalik siya sa dalawa.

Tahimik niya lang akong sinusubuan ng lugaw na iniluto niya raw kaninang madaling araw. Sinubukan niya raw kasi akong pakainin nung oras na 'yun dahil hindi raw ako kumain ng tanghalian at hapunan. Hindi naman ako nakakaramdam ng pananakit ng tiyan o mas nangingibabaw lang talaga ang pananakit ng likod ko na hindi ko naman alam kung ano ba talagang dahilan at ayaw pang sabihin ni Timo.

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon