Chapter 22

96 27 33
                                    

The Fallen Angel

"Huwag mo nang pakielaman pa ang buhay ko." tila ba'y huminto ang oras ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. Ang sakit sakit malaman na isa lang naman akong anghel ang misyon ay ang iligtas siya sa kapahamakan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko. Pakiramdam ko ay nabigo ako sa aking misyon.

Napaaray ako sa sakit nang maramdaman kong biglang sumakit ang likod ko. Dalawang beses nang nangyari ito at hindi ko naman mawari kung ano bang ibig sabihin nito. Sobrang daming pagbabago ang nangyayari sa akin ngayon. Kahit si Naver ay hindi matukoy kung bakit bumalik ang mga linya sa kamay ko. Bilin niya ay nagpapaalala lang ito na sa ikatlong buwan ng taon nagsimula ang aking misyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko, nasusunog ang pulso ko dahil dito.

Napapikit na lang ako dahil hindi ko na kaya pang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Dali-dali naman akong humiga sa couch dahil nahihirapan na rin akong huminga. Hindi ko na ring maiwasan pa ang mapasigaw dahil sa sakit. Wala naman 'to noon pero bakit nararanasan ko 'to ngayon.

Hanggang sa nawalan na ako ng malay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naggising na lang ako dahil nakaramdam ako ng init sa aking palad na para bang pinapaso ako ng isang apoy. Nang tignan ko ito ay kulay dilaw. Nagtaka naman ako. Ngayon lang naging kulay dilaw ito. Ano ba talagang nangyayari sa'kin?

Napatigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang presensya ni Timothy. Kahit na sobrang sakit pa rin ng katawan ko ay pinilit kong tumayo at lumapit sa bintana upang dumungaw. Para namang maabutan ako ni Timothy na mukhang walang problema. Mahirap na baka pati siya mahirapan. Ayoko 'yun.

"Let's go to the mall." aya niya. Pumayag naman ako agad. Masaya naman kaming naglaro sa mall. Noong una ay natatakot pa ako dahil naiisip ko pa rin ang nangyari sa akin sa huling punta ko ng mall. Pero kahit na nasiyahan kami ni Timothy sa lakad na ginagawa namin ay hindi nakatakas ang pag-alala sa kanyang mukha. Na tila bang gusto niya akong tanungin ngunit pinipigilan lang siya ng kung ano man ang iniisip niya ngayon. Alam kong may mali, e. Ilang beses kong sinubukang marinig ang iniisip niya ngunit hindi ko na marinig pa.

Inisip ko na lang din na kaya niya ako niyaya dahil baka nagsisisi na siya sa sinabi niya sa'kin kanina, ngunit napawi ang lahat ng mabuting iniisip ko nang biglang may tumawag mula sa kanyang telepono.

"Okay lang, hihintayin na lang kita. Dito lang ako, ah?" sagot ko sa kanya dahil wala naman na akong iba pang maggawa kun'di ang intindihin siya. Ni hindi ko na nga alam kung tama pa ba 'tong ginagawa ko dahil hindi naman siya nagbabago.

"Aren't you afraid of people?" tanong niya habang ako nama'y nakatingin sa malayo, nag-aabang sa papalapit na mga tao.

"Kailangan kong sanayin ang sarili ko 'di ba?" umasa akong hindi siya tutuloy nang sabihin ko iyon, ngunit nagkamali ako. Nang tumalikod siya ay agad na akong sumabay sa mga taong kanina ko pang hinihintay.

Nang makalabas ako ng mall ay si Naver agad ang nakita ko. Hinawakan niya ang aking pisngi saka pinunasan ang mga luha gamit ang kanyang hinlalaki. "Ano na naman bang ginawa niya sa'yo?"

"Pwede bang umalis na lang muna tayo dito?" sumunod naman si Naver sa sinabi ko. Dinala niya ako sa isang gusali na halos katulad sa condo na tinitirhan namin ni Timothy.

Nakatingin lamang ako kay Naver kung paano niya kausapin ang mga tao. Ang galing ni Naver magpanggap. Hindi halatang hindi siya tao tulad ko. Taong-tao talaga ang dating niya at hindi rin siya nakakagawa ng bagay na ikina-weird na sinasabi ng iba.

"Dito ka muna tumira kung ayaw mo pang makita si Timo. Regalo ko na 'to sa'yo. Payo ko lang, huwag ka masyadong gumawa ng kung ano man na tiyak na pagtatakaan ng mga tao," aniya nang makapasok kami sa isang kwarto. "Ano bang ginawa niya sa'yo?"

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon