Prologue

105 10 17
                                    

"Excuse me? Dito ba 'yong Barrio San Jose?" tanong ni Alina sa isang lalaking nakatayo sa gilid ng puno ng mangga. "Dito nga po," magiliw na tugon nito. Namilog ang mga mata ni Alina dahil parang may kahawig ang lalaking 'yon.

Kamukha ni Randell 'to ah.

Lihim naman siyang napahanga rito dahil mukha itong modelo at parang turista lang na kagaya niya.

She cleared her throat. "Kilala mo ba si Mang Ranulfo? Doon kasi ako pupunta sa kubo niya."

Kumunot ang noo ng lalaki at napaalis ang ngiti sa mapupulang labi nito. "Sige, ihahatid kita doon."

"Malapit lang ba? Malalakad lang ba?" tanong ni Alina.

Umiling ito at inginuso ang motor sa gilid. "200 pesos."

"Gaano ba kalayo? Ang mahal naman ng 200," nakangiwing bwelta ni Alina at sinubukan pang kumapa ng pera sa bulsa ngunit sa kasamaang palad, isandaan lang pala ang pera niya.

"Bakit ka nga pala pupunta doon?" biglang tanong ng lalaki. "Kailangan bang malaman mo pa? Kapag ba sinagot ko, magiging libre na lang?" pangungulit naman ni Alina. Kamalas-malasan kasing naiwan siya ng service van papunta sa pakay na baryo kung saan sila magbabakasyon. Kung hindi siya nagpa-load, hindi siya maiiwan.

"Sorry, di na uobra 'yang style mo. Alam mo Miss, hindi ako interesado sa mga babae," giit nito kasabay ng pekeng ngiti.

"Huh? Sinong nagsabi na interesado ako sa'yo? Oo guwapo ka pero—"

Natutop ni Alina ang sariling bibig dahil parang inamin na rin niya na naguwapuhan nga siya sa aroganteng lalaki na panakaw pang sumusulyap sa kanya. Napatalikod siya at naglakad palayo.

"Salamat na lang. Pasensiya na sa abala," pabalagbag na sagot ni Alina.

Napasinghap si Ricky habang sinusundan ng tingin ang babaeng papalayo. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isa niyang katropa.

"Enteng, may makakasalubong kang babae na mahaba ang buhok, kasinghaba ng buhok ni Sadako. Nakasuot ng oversized green t-shirt. Pakihatid sa kubo namin huh? Mamaya na kita bayaran." Pagkasabi ay binaba niya ang cellphone at tumawa pa.

May boyfriend ka na kaya?

That day, isinumpa ni Ricky na kung may pagkakataon, liligawan niya ang babaeng 'yon. This thing might be unexplainable, but he guessed that's love at first sight.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now