3 - Sweet Dreams

62 8 23
                                    

"Welcome sa tahanan namin Ricky! Feel at home, okay?" nakangiting bati ni Nanay Remmy kay Ricky pagkatapak pa lamang nito sa mansyon. Niyakap niya ang binata nang mahigpit at mula noong una niya itong makita, magaan din ang loob niya rito gaya nang naramdaman niya sa kapatid nitong si Randell.

"Maraming salamat po Maam—"

"Anong Maam? Puwedeng lola na lang ang itawag mo sa'kin?" Nanay Remmy cut what Ricky has going to say. Nginitian niya nang pagkalapad ang binata. Unang kita pa lang nila ay maganda na ang impression niya kay Ricky. Ilang beses na rin niyang nasaksihan ang pagiging magalang nito at hindi rin nakalampas sa kanya ang petty quarrels nito at ni Alina habang nagbabakasyon sila sa probinsya ng Quezon. In her intuition, isa sa kanila ang nagkakagusto na sa isa't isa. Tiwala siya sa ganoong kutob, ilang beses na niyang napatunayan noong aso't pusa pa lamang sina Martina at Randell.

At nakaisip siya ng magandang paraan para mapaglapit ang dalawa. Hindi rin kasi gusto ni Nanay Remmy na panghawakan pa ni Alina ang one sided love nito sa pamangkin niyang si June. Baka sakali, kapag may ibang naka-close si Alina, mawawala ang pag-ibig nito kay June na may iba na ring minamahal.

Panibagong matchmaking nga ba ang tumatakbo sa kanyang isip? Pero kakasabi niya lang kay Alina na bawal itong makupag-boyfriend. Naguluhan tuloy siya sa naisip kaya napaalis ang ngiti na itinapon niya kay Ricky.

Napalunok lang si Ricky sa biglang pagbabago ng timplada ng matanda. Wala naman siyang pagtutol sa kagustuhan nito na tawagin siyang lola sa halip na "maam."

He brushed his own fingers through his hair. Ang dyahe ng pakiramdam na aware siyang may naglalaro sa utak ng kaharap.

"Ilagay mo na sa kwarto ang mga gamit mo. Naituro na sa'yo ni Randell 'di ba?"
Binalik muli ni Nanay Remmy ang matamis na ngiti sa binata at hinayaan itong umakyat sa palapag kung saan matatagpuan ang kanyang silid.

Pagbukas pa lang niya sa pinto ay pinindot niya ang switch ng ilaw pero hindi pa rin lumiwanag ang silid. Pinanatili na lang niyang bukas ang pinto. Hapong-hapo na rin ang kanyang katawan at hindi na inabala ang kuya niya para magpatulong sa pundidong ilaw.

Naaninag niya ang kama at mabilis na isinalampak doon ang sarili. Mas madali siyang antukin kapag madilim kaya natalo rin siya ng antok sa loob lamang ng dalawang minuto.







****







Naghanda ng dinner date si June para kay Alina. Ngayon nila ipagdiriwang ang 3rd year anniversary bilang magkasintahan. At bilang nobyo ni Alina, handa na siyang bigyan ito ng reward dahil sa pagsisikap nitong makapasa sa board exam, ganap na itong CPA.

"Thank you sa efforts mo, love." Binigyang diin ni Alina ang endearment niya kay June saka niya hinawakan ang kamay nitong nakalapat sa mesa. Tumatawa ang kanilang mga mata kasabay ng pagkislap nito habang nagtititigan sa isa't isa. Sobrang laking pasasalamat ni Alina dahil laging nasa tabi niya si June para i-guide siya nito sa exams. Lagi rin nitong pinapalakas ang kanyang loob kapag may mga oras na nagbi-breakdown siya kapag nag-o-overthink, na baka hindi siya pumasa at mag-retake nang ilang beses.

Thank you lord, siya ang binigay mo para sa'kin.

"Sobrang saya ko Alina, dahil naabot mo na ang pangarap mong maging accountant gaya ni Martina," nakangiting sambit sa kanya ni June. Her heart melts with that precious smile. Marupok siya sa tuwing nginingitian ni June. Parang maiihi na siya sa kilig.

"Hindi naman talaga 'yon ang pinakamimithi kong pangarap," pag-amin niya na ikinalalim ng kunot-noo ni June. "Ano pa ba?"

"Ikaw talaga ang pinakamimithi kong pangarap," she giggled.

"Ako rin, so puwede ba kitang i-kiss kahit maraming tao?"

Natawa lang si Alina. Magpapabebe panba siya sa guwapo niyang boyfriend? Kahit ilanh beses na silang nag-kiss, hindi nawawala ang kilig na dulot ng mga labi nito. Maiinggit panigurado ang kababaihan sa restaurant.

Sorry na lang girls, ang haba ng buhok ko, mula Edsa Baclaran hanggang Caloocan.

Napapikit siya at naramdaman niya ang malambot na—

Malambot na unan ang tumama sa mukha ni Alina kaya naudlot ang malaparaiso niyang panaginip. Gusto niyang magwala kaagad. Sa panaginip na nga lang sila puwedeng magkatuluyan ni June, naudlot pa. Hinawi niya ang unan at kinusot-kusot ang mga mata dahil hindi pa tuluyang nagigising ang kanyang diwa. Nawala ang pagkainis niya dahil nang hawiin niya ang unan ay tumambad ang malaanghel na kaguwapuhan ng isang lalaki na katabi niyang matulog sa magdamag.

Napaka-sweet naman, bumangon ka na nga d'yan at ipaghanda ako ng almusal.

Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha ng lalaki. Kahit medyo madilim sa silid, naaninag pa rin niya ang kaguwapuhan nitong taglay. Literally, he could be a guardian angel who's designated to guide her, sent by God because she's a good person for her 22 years of existence. Okay na pala na naudlot ang panaginip niya kay June.

Papikit-pikit ang mga mata niya nang ulitin ang paghawak sa malambot na pisngi ng lalaking katabi. Banayad ang pakiramdam niya habang ginagawa iyon, feel niya na ligtas siya sa anumang sakuna at hindi siya nito pababayaan.

Pero muli niyang kinusot ang mga mata dahil nagising na nga pala siya kanina mula sa isang magandang panaginip. Napakislot siya at hinawi ang buhok niya na nakatabon sa kanyang mukha.

She made a hissing sound, just when she realized that the guy behind her bed is not really a stranger. Of course, bakit niya makakalimutan ang lalaking kinaiinisan niya hanggang ngayon dahil sa 200 pesos? Pero bakit ito nasa silid ni Randell? At ilang oras na ba siyang nakatulog na kasama ito?

Matapang na kinuha ni Alina ang malambot na unan at tinakpan ang guwapong mukha ni Ricky habang tulog ito. Bahala na kung ma-suffocate niya ang binata. That's what he deserves anyway. Sa lalim ba naman ng pagkakatulog, malay ba niya kung anong ginawa nito sa kanya, for sure mayroon. Mas may lakas na loob kasing mag-take advantage ang mga lalaki.

"Anong ginagawa mo rito huh!" asik niya habang patuloy niyang dinidiinan ang pagngudngod ng unan sa mukha ni Ricky. Ilang saglit pa ay pumalag-palag ito at buong lakas na itinulak siya nito at tumalsik siya sa gilid ng kama.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo sa kuwarto ko?" paangil na tanong ni Ricky at naghahabol ng hininga nang batuhin ng matalim na tingin si Alina. Namukhaan niya nga ang dalaga dahil hindi naman ito nawala sa isipan niya. Kahit crush niya ito, hindi pa rin acceptable na halos patayin na siya nito nang dahil sa maling akala. Muntik na talaga siyang mamatay.

"Kuwarto mo? Kuwarto ni Kuya June ito!" di patatalong buwelta ni Alina. "At sino si June?"
Padabog na tumayo si Ricky. He extended his arms so Alina could reach it. Alam niyang malakas ang pagkakatulak niya rito, baka nga may fracture na ito sa katawan.

Pinilit ni Alina na bumangon at naramdaman niya kaagad ang kirot sa braso niyang nagkagalos na, ayaw niyang hawakan ang kamay ni Ricky na parang mahahawaan siya ng malalang sakit kung hawakan iyon.

"Umamin ka, pinagsamantalahan mo ba ako huh?" Umabot na sa kabilang silid ang boses niya dahil nakabukas pala ang pintuan.

"Yuck! Bakit? Maganda ka ba?" nakangiwing tanong ni Ricky. Hindi sumagi sa isip niya na manamantala ng babae. It was just an honest mistake. Inantok siya sa kuwarto at nakatulog. Hindi niya napansin na may iba pa palang natutulog sa kama dahil malawak ang espasyo, kakasya ang apat na tao kahit plus sized ang isa.

"Isusumbong kita kay Madam Remmy nang mapalayas ka nila!"
Mabilis na tinangka ni Alina ang pag-eskapo sa silid pero maagap siyang nahatak ni Ricky na nawalan ng balanse kaya napasubsob silang muli sa kama.

Akala ni Alina ay matatapos na ang kakaibang encounter nila ni Ricky sa pagkakasubsob pero hindi pa pala, napagtanto niya kasing naglapat ang kanilang mga labi dahil nga sa aksidenteng nawalan ito ng balanse habang nakatayo at nadamay siya. Napaibabawan niya ang binata at nasubsob ang mukha niya sa mukha nito.

Hindi niya matatanggap iyon. Bakit si Ricky pa ang naging first kiss niya at hindi si June?

Sana panaginip na lang pero hindi. Wala na siyang magagawa pa kung hindi lalong kagalitan si Ricky.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon