2 - Ricky's New Home

60 6 18
                                    

"Mga ateng, may chicka ako sa inyo, dali!"

Matinis ang timbre ng boses ni Alina nang tawagin ang kapwa kasambahay na sina Kikay at Yayo sa kanilang silid.

"Anong chicka? Parang ang saya mo yata ngayon huh?" si Kikay na itinigil muna ang pamamlantsa ng damit.

"Pag-aaralin na ako ulit ni Madam Remmy!" tili ni Alina at nagpagulong-gulong sa kama nito.

"Wow! Magandang balita nga 'yan. Natutuwa naman kami para sa'yo Alina," nakangiting sambit ni Yayo at ginaya si Alina sa paggulong-gulong sa kama.

"Matutupad mo na ang pangarap mong maging katulad ni Maam Martina. Pero halos magkatulad na rin kayo. Maganda, sexy at matalino!" tugon ni Kikay na pinarisan pa niya ng pagak na tawa.

Napatikhim si Alina at biglang bumangon. "Sabagay, tama nga kayo. Pero bukod sa degree, may kulang pa."

"Ano naman 'yon?"

Pinandilatan ni Alina ang dalawa saka nangngiting-aso. "Wala pa akong lovelife."

"Ano ba naman 'yan! Eh 22 ka pa lang naman, hindi ka dapat magmadali d'yan," buwelta naman ni Yayo, palibhasa 35 years old na siya bago nakapag-asawa.

"Pero naisip ko lang, paano pala kung may inilaan din pala sa'kin si Madam? Di ba si Maam Martina hinanapan niya ng mapapangasawa at napakaguwapo pa." Halos mapunit na ang labi ni Alina sa pagkakangiti nang isipin iyon. Nahampas tuloy siya Kikay sa kanyang braso.

"Oo nga ano? Tapos si Ricky pala 'yong ima-match sa'yo," pang-asar ni Kikay.

"Huwag na uy!" napaalis ang ngiti ni Alina. Maisip niya lang si Ricky, nasisira kaagad ang maganda niyang mood. "Sa manggagantsong 'yon pa talaga? Huwag n'yo nga siyang mabanggit-banggit dahil hindi ko pa rin matanggap na siningil niya ako ng 200 kahit malapit lang pala 'yong kubo nila."

"Bakit ka ba magagalit eh hindi ka naman sumakay sa motor niya?" sabad naman ni Yayo bago sila magtawanan ni Kikay.

"Ah basta! Mayabang na manggagantso pa!" singhal ni Alina at padabog na lumabas sa silid. Mabuti pa sigurong magpaka-busy na lang siya at huwag nang tapusin ang pakikipag-usap kina Yayo at Kikay na mukhang pinagtutulakan siya kay Ricky.

Dideretso sana siya sa hardin para magdilig ng mga halaman pero nakasalubong niya si Martina. "Hello Maam," bati niya sa amo.

"Bumili pala ako ng gamit mo para sa pasukan," pagkasabi ay iniangat ni Martina ang shopping bags ng supplies na binili niya kay Alina. "You deserve it," dagdag nito at tinanggap naman ni Alina ang regalo.

"Maam, sobra-sobra na ito," naiiyak niyang tugon at maagap na pinunasan ang luha sa pisngi. She's still so much thankful how Martina changed for good. Hindi man niya masabi pero aminado siya na may kagaspangan ang pag-uugali ni Martina. Madalas siya nitong pagalitan pero nagbago ito nang makatagpo ng katapat— ang napangasawa nitong si Randell at nabawasan na rin ang pagiging bugnutin nito.

Nakakapagpabago ng ugali ang lovelife. Confirmed!

"Huwag kang umiyak. Nawawala ang ganda mo kapag umiiyak ka," payo sa kanya ni Martina. "Siya nga pala, pakilinis ng dating kuwarto ni Randell dahil may bisita tayo."

"Okay Maam, sige po maglilinis na ako sa taas." Kumakandirit pa si Alina nang umakyat papunta sa dating silid ni Randell. Anim na buwan na rin kasi silang kasal ni Martina kaya hindi na nagagamit ang silid.

Na-excite siya nang maisip na posibleng si June ang bisita nila na titira sa mansyon.

Sa wakas! Lagi ko na siyang makikita!

Ginugol niya ang ilang oras para malinis kaagad ang kuwarto. Kailangang ma-impress si June sa pagdating nito at dapat niyang masiguro na magiging komportable ang tulog nito. At nais niya ring marinig muli kung paano siya nito purihin sa galing niya sa paglilinis.

Tuwing pinupuri niya ako, feeling ko gusto lang talaga niyang sabihin na ako ang ideal wife niya.

She grinned with the thoughts of him. Matapos maglinis ay nakaramdam din siya ng antok, nahiga siya sa kama at nakaidlip.







****








"Maraming salamat talaga kuya dahil tinulungan mo akong makahanap ng trabaho." Panaka-nakang sulyap ang ginagawa ni Ricky sa kuya niyang si Randell na nagmamaneho. On the way na sila sa mansyon at excited siya sa magiging trabaho niya. Fresh graduate pa lang si Ricky at aminado siyang mahirap kumuha ng oportunidad sa probinsya nila sa Quezon. Karamihan sa mga kompanya ay prefered ang mga may experience sa trabaho. Graduate ng kursong Office Administration si Ricky at mahirap humanap ng trabahong akma sa kursong kanyang natapos.

"Maliit na bagay, gusto ko lang makatulong sa inyo ni Papa. Alam kong nakakapagod din sa Quezon at gusto mong magretiro na siya sa trabaho," nakangiting pakli ni Randell habang sa kalsada pa rin ang tingin. He's trying to know more about his half brother Ricky, since they grew up separately. Ngayon niya ginagampanan ang tungkulin ng isang responsableng kapatid sa abot nang makakaya niya.

Naipaling naman ni Ricky ang tingin sa side view mirror. Bukod sa panibagong lugar at oportunidad, may isa pang dahilan kung bakit siya nasasabik— si Alina na hindi niya makalimutan. Sobrang lakas na siguro ng tama niya sa babaeng iyon. Ewan ba niya, noong nagbabakasyon ito kasama ng mga kaanak ng asawa ng kuya Randell niya, gustong-gusto niya talagang makipagkaibigan pero lagi naman itong naaaburido tuwing nakikita siya. Wala pa nga siyang ginagawa, umaangil na ito kaagad na parang mabangis na tigre.

Sa unang pagkikita nila, alam niyang hindi siya na-attract sa kagandahan ni Alina. In fact, Alina is not so pretty that time, she only wore an oversized t-shirt, hindi pa nakapagsuklay at walang kolorete sa mukha pero nahatak talaga siya kaagad nito nang husto. Batid niyang may something kay Alina na hindi niya kayang pangalanan pa. At isa sa misyon niya— ang kilalanin pa nang husto ang dalagang bumihag sa natutulog niyang puso.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें