9 - Goodbye

51 6 16
                                    

Tila hindi makapaniwala si Alina nang ilantad ng hairstylist ang itsura niya sa harap ng salamin. Matapos siyang magpagupit, ilang oras din ang ginugol niya para magpa-hair dye, magpa-facial at manicure. Ang dating buhok na hanggang baywang ay hanggang balikat na lang ngayon. Bumagay din ang hair dye na chestnut brown sa buhok niya.

"Salamat Maam," nangingiting tugon niya sa hairstylist ng salon.

"Ang ganda n'yo na Maam, para ka nang kpop idol," sagot din ng hairstylist, another way of praising her own work. Pero totoo naman na gumanda talaga si Alina.

Hindi mawala ang ngiti ni Alina hangga't makalabas na siya sa salon. Tiningnan niya ang cellphone at may iniwan palang text message si Ricky.

"Tawagan mo ako pag tapos ka na or mag-text na lang. Nood pa ako ng sine."

Agad naman siyang nag-text. "Okay Ricky. Katatapos ko lang sa salon, bibili lang ako ng mga gamit pa. Enjoy ka muna."

Diretso agad siya sa store kung saan siya makakabili ng damit pero nalula naman siya sa presyong nakaimprenta sa price tags ng gusto niyang bilhin na items.

"Sampung piso lang 'to sa ukay-ukay eh," tukoy niya sa isang yellow blouse na may kaparehang disenyo sa palengkeng napuntahan niya noon.

She shrugged and left the store without buying anything. Ayaw din niyang  gumastos nang bongga dahil nahihiya siya kay Nanay Remmy.

Paglabas niya ay tumambad ang matiyagang si Ricky na pinandilatan siya ng mata. "Wow, gumanda ka ng mga one percent pa, hindi kita nakilala promise. Ikaw na ba 'yan Alina?"

Bakas ang sarkasmo sa boses ni Ricky. Tama naman siya, isang porsyento lang ang iginanda ni Alina dahil para sa kanya— 99 percent na itong maganda, noon pa man. It's just that he can't stop staring at her and he didn't want to be so obvious that he's amazed by her new look.

"Sanay na ako sa pang-aasar mo sa'kin. Sorry, hindi na ako naapektuhan kasi alam kong gumanda naman talaga ako," nakairap namang sagot ni Alina.

"Eh, sinong nagsabi?" may pang-uuyam na tanong ni Ricky.

"Iyong mga parlorista, sabi pa nga noong isa mukha na raw akong kpop," di patatalong sagot ni Alina at nagpatuloy sa paglalakad, tama lang na makalayo siya agad kay Ricky dahil nahihiya siyang makita ng binata ang ayos niya. Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay ayaw lang niyang tuksuhin na naman siya nito.

"Sabi ko na nga ba, natural lang na purihin ka ng mga parlorista dahil sila ang nag-ayos sa'yo. Hindi nila lalaitin ang gawa nila," habol ni Ricky at mas binilisan ang paglalakad, naharangan niya kaagad si Alina.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba may bibilhin pa tayo?" his follow up question.

"Ang mahal naman kasi ng bilihin dito sa mall," pagtatapat ni Alina kasabay ng pag-asim ng mukha.

"Gusto mo punta tayo sa Divisoria?" lumiwanag ang mukha ni Ricky nang imungkahi kay Alina ang alternatibong bilihan para makatipid ito.

"Malayo ba 'yon dito?"

"Malayo pero within an hour, naroon na tayo kaagad. Hindi pa naman rush hour," tugon ni Ricky.

Napangiti si Alina. "Game!"







****







Natapos ang pamimili nina Alina at Ricky sa loob lamang ng dalawang oras. Bago magpasyang umuwi sa mansyon, minabuti muna nilang mag-stop over sa isang fastfood.

"Medyo marami ka rin palang pinamili," tukoy ni Alina sa shopping bags na nasa gilid ng upuan ni Ricky habang kumakain sila. "Oo, mga hygiene things lang. Lilipat na kasi ako," sagot ng binata kahit nakabusal ang pagkain sa bibig nito.

"Bakit ka lilipat? Pinapaalis ka na ba ni Madam Remmy?" tila bumagsak ang balikat ni Alina dahil sa sinabi ni Ricky. Kahit naman madalas silang magtalo, nakasanayan na niya ang presensiya nito at paniguradong maninibago siya kapag umalis ito. Dapat nga natutuwa pa siya pero nakaramdam siya ng kakaibang lungkot, maaring katulad sa lungkot na naramdaman niya noong umalis si June sa poder ni Nanay Remmy para magsimula sa propesyo nito, ngunit doble ang lungkot na naramdaman niya ngayon. This is weird.

Umarko ang dalawang kilay ni Ricky. "May trabaho na kasi ako, mas convenient pag doon ako mags-stay— malapit sa papasukan ko."

"Ah. Mag-iingat ka lang palagi," tanging sambit ni Alina at napayuko na lang para itago ang pagkadismaya.

Attached na nga ba ako sa lalaking ito? Pero hindi puwede. Naiinis nga ako sa kanya.

"Wala nang mang-aasar sa'yo. Dapat matuwa ka pa," tugon ni Ricky at itinago ang lungkot sa pamamagitan ng mapang-asar niyang ngiti na nakasanayan niyang ilantad palagi kay Alina.

Ayaw niyang mag-assume, pero nakikita niyang rumehistro sa maamong mukha ni Alina ang lungkot o panghihinayang. Labag kaya sa kalooban nito ang napipinto niyang pag-alis sa mansyon?

"Kaya nga, pero ayos lang matatahimik na rin ako sa wakas," pinasigla ni Alina ang tinig at pinarisan iyon ng hilaw na ngiti. Taliwas ang kanyang pinapakita at ang totoong nararamdaman. Tila gusto niyang pakiusapan si Ricky na mag-stay na lang.

"Pero malay mo, dumalaw-dalaw pa rin ako. Mami-miss ko 'yong kape na itinitimpla mo palagi eh."

Mapaklang ngiti ulit ang pinakita ni Alina.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now