4 - Catfight

54 7 16
                                    

Tila ayaw nang matapos ni Ricky ang moment na magkahinang ang labi niya at ni Alina. Parang umawit sa lubos na kagalakan ang puso niya nang dahil doon. It was really unexpected. Inabot pa ng ilang segundo bago ilayo ni Alina ang sarili sa kanya. Narinig pa niya ang impit nitong paghikbi nang lumabas ito sa silid. Paniguradong hikbi iyon dahil sa sobrang galit.

So he followed her downstairs. Doon niya nakumpirmang lumuluha na nga ito.

"Alina, sorry! Hindi ko sinasadya!" he yelled. Mabilis siyang nakatakbo palapit kay Alina. Naaninag pa rin niya ang panlilisik ng mga mata nito.

"Bastos!" singhal ni Alina at hinampas-hampas ang braso ni Ricky habang umiilag-ilag naman ito. Nakakuha na lang ng tiyempo si Ricky at naisahan niya si Alina nang makabig niya ito at itinulak sa couch. Nasa living room area na kasi sila.

Hindi nagpatinag si Alina. Muli niyang sinunggaban si Ricky at pinagsusuntok ito.

"Hayup ka! Hayup ka!" nanggigigil niyang sigaw at napatumba niya rin ito. Hindi pa siya kuntento hangga't hindi niya napapadugo ang guwapo nitong mukha.

Pakiwari ni Ricky, bumaon nang ilang ulit ang kuko ni Alina sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Para siyang nakalmot ng pusa dahil sa sobrang hapdi. "Tama na!"

Hinayaan niyang saktan siya ni Alina hangga't sa huminga siya nang malalim at nahatak niya ito nang malakas sa braso. Dinig pa niya na napaigik ito sa sakit. Ayaw sana niyang saktan si Alina pero kailangan din naman niyang dipensahan ang sarili.

Nakakuha ulit ng tiyempo si Ricky upang makadepensa. "Alina, huwag kang magagalit sa'kin huh?" he mouthed while struggling to start his move.

Dahil nakaibabaw si Alina, hinatak niya ito palapit sa kanya. Dahilan upang magkalapit na naman ang mga mukha nila, tipong magpapalitan sila ng mukha dahil sa sobrang lapit. Limang segundo ang itinagal ng kanilang eye contact. Napako ang tingin sa kanya ni Alina, alam niya ang iniisip nito nang tumindi ang pagngiwi nito.

Natameme si Alina habang sinasalubong ang mapanuring tingin ni Ricky. Hindi niya alam kung bakit tila nabato-balani siya sa mukha nito nang hindi inaasahan. She analyzed every details of his face, kahit limang segundo lang. Masasabi niyang "almost perfect" ang pagkahulma ng mukha nito.

Napaiwas bigla ng tingin si Alina dahil bigla siyang nginitian ni Ricky.

Letse! Na-distract niya ako nang gano'n lang!

At huli niyang na-realize na napalitan nito ang kanyang posisyon. Si Ricky naman ang umibabaw sa kanya at walang pasabing winasiwas siya sa marmol na sahig. Sobrang sakit ng naramdamang kirot ni Alina, lalo na sa kanyang likuran.

"Aray!" sigaw ni Alina nang bitawan siya ni Ricky. Iyon pala ang ibig sabihin nito sa sinabi na huwag siyang magagalit.

Nakalikha pa sila ng matinding ingay dahil nasagi nila ang mamahaling porcelain vase ni Nanay Remmy. Saka sila natigilan nang marinig kung paano nagkapira-piraso ang vase. Napagtanto ni Alina na ang nabasag ay ang pinakalumang vase at pinakaiingatan nang husto ni Nanay Remmy.

Hindi pa yata siya pinapanganak, nabili na ni Nanay Remmy ang bagay na iyon. Naikwento pa nito sa kanya kung gaano iyon kahalaga dahil regalo pa ng kaibigan galing sa ibang bansa. Kahit siguro dalawang buwan niyang sahod ay hindi sasapat bilang kabayaran.

Ramdam pa rin niya ang pananakit ng likod pero hindi na niya inalintana pa, mas ramdam niya kasi ang tensyon kapag malaman ni Nanay Remmy na nabasag ang pinakamamahal nitong vase.

Pinilit niyang bumangon sa kabila ng pag-inda sa matinding sakit. Nahabag naman si Ricky sa dalaga at ramdam niya ang matinding pag-aalala ni Alina habang isa-isang dinadampot ang parte ng vase. Maagap na inilayo niya ang kamay nito.

"Huwag, masugatan ka pa. Madilim pa man din," paalala ni Ricky.

"Kasalanan mo 'to!" angil ni Alina. Sa tagal niya sa pamamahay ni Nanay Remmy, hindi pa siya nakakabasag ng gamit dahil maingat siya sa bagay na kanyang ginagawa. Ang pagkabasag ng vase ay parang pagkasira na rin ng tiwala ni Nanay Remmy sa kanyang serbisyo.

Inaalala niya na baka pagalitan siya ng matanda at pagbayarin nang halaga na doble sa buwanan niyang sahod. Her tears suddenly fell down through her cheek. Hindi nakaligtas ang luha niya sa mga mata ni Ricky dahil hindi nito binabali ang pagkakatitig sa kanya.

"Huwag ka nang umiyak. Sasabihin ko kay Nanay Remmy na ako ang nakabasag niyan," bulong niya pa kay Alina. Sa halip na magpasalamat, lalo pa itong nainis sa kanya. Kulang na lang ay isaksak nito sa kanya ang pinakamatalim na piraso ng vase.

Lumayo na lang si Alina at niyakap ang sarili. Hininaan niya rin ang paghikbi.

"Huwag ka nang—"

Natutop ni Ricky ang kanyang bibig nang lumiwanag ang paligid. Napaangat ang tingin niya at natunghayan sina Martina at Randell. Nasa ibaba naman ay sina Yayo, Kikay at Nanay Remmy. Pakiwari niya na kanina pa nanonood ang mga ito sa catfight nilang dalawa ni Alina.








A/N:

I'm gonna update this everyday. Gusto ko na itong tapusin agad. Hahahaha salamat po sa nagbabasa 😛💕

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin