11 - Love Sick

55 7 21
                                    

Laylay ang balikat ni Alina nang makauwi siya sa mansyon. Nawalan siya nang ganang kumain ng hapunan dahil nasira ang kanyang mood ng mga kaklase niyang elitista.

Isang linggo pa lang ang nakalipas pero pressured na siya sa mga kaklase at lectures. She someimes feel like she wants to give up, pero tinatagan pa rin niya ang loob dahil ayaw niyang masayang ang efforts ni Nanay Remmy. Bukod sa burden na baka mag-fail siya sa efforts niya, ramdam din niya na sumasakit ang kanyang ulo at mainit ang kanyang katawan. Parang magkakaroon siya ng trangkaso.

Papasok na siya ng silid at namataan sina Yayo at Kikay na nagpapaganda. Bukod sa pagpapaganda ng mga kasamahan, nakaagaw pansin din ang bagahe na nasa ibabaw ng kama.

"Mga ateng, ano 'yan? Bakit nakaimpake kayo?" bungad na tanong ni Alina.

"Magbabakasyon daw kami sabi ni Madam— este Nanay Remmy," sagot ni Yayo na nakaharap lang sa salamin at pinag-iigihang kulutin ang buhok.

"Nanay Remmy? Bakit iba na ang tawag n'yo sa kanya?" nagsalubong ang dalawang kilay ni Alina.

"Kasi gusto niya na Nanay na lang ang itawag sa kanya kahit lagi natin siyang tinatawag na Madam. Iisang pamilya nga tayo," nasisiyahang tugon ni Kikay na nagpapahid ng lisptick sa labi.

"Bakasyon? Tapos nagpapaganda pa kayo. Parang hindi naman bakasyon ang pupuntahan n'yo, baka maghahanap lang kayo ng mga guwapo sa tabi-tabi," hindi kumbinsidong apela ni Alina.

"May sinet-up kasing dinner date with our lovey doves si Nanay Remmy, gift daw niya sa amin," paliwanag ni Yayo. "Wow, sana all na lang, enjoy kayo huh?" Alina sincerely smiled at them.

Napahiga na lang siya sa kama at hinayaang magpaka-busy ang dalawa. Bigla rin siyang bumuntong-hininga dahil naisip niyang mag-isa lamang siya sa bahay kung aalis silang lahat para sa planned vacation.

Nakakalungkot, hindi ko pa naranasang mag-isa sa bahay tapos nalulunod na ako sa studies ko.

"Alina, sorry na kung iiwan ka namin. May surprise daw kasi sa amin si Nanay Remmy," mapagpaumanhing sambit ni Yayo saka hinaplos ang buhok ni Alina. "May problema ka ano? Share mo dali," gatong naman ni Kikay at lumapit sa kinahihigaan ni Alina.

Tipid na nginitian ni Alina ang dalawa. "May mga kaklase lang kasi ako na parang naiinis sa'kin pero hindi nila maipakita nang diretso."

"Bakit? Paano mo nasabing kinaiinisan ka nila?" usisa ni Kikay.

"Nagpaparinig. Naaasar sila kasi close kami ni Sir June, eh wala naman akong ginawang masama. Dumidistansya naman ako kasi alam kong pangit tingnan na close kami. Tapos one time narinig ko sila sa comfort room, pinagtatawanan nila ako kasi maid lang naman ako pero napaka-feelingera ko daw, binanggit nila 'yong pangalan ko habang nag-uusap sila." Kusang nangilid ang luha sa mga mata ni Alina habang sinasalaysay ang diskriminasyon na naranasan niya sa unibersidad.

"Sino ba 'yang mga 'yan? Tatambangan namin sa labas!" inis na pahayag ni Yayo. Apektado siya kapag umiiyak si Alina dahil alam niyang mahina ang loob nito, she's sharing same sentiments with Kikay. Parang magkakapatid na ang turing nila sa isa't isa at pinangako nilang magtutulungan sila kahit anong mangyari.

"Hayaan n'yo na. May iba naman akong naging ka-close at hindi sila matapobre. Pag-iigihan ko na lang ang pag-aaral," pampalubag-loob na wika ni Alina at niyakap sina Yayo at Kikay.

"Paano na lang sa mga susunod na araw na nagbakasyon kayo at mag-isa ako, wala akong mapaglalabasan ng sama nang loob," usal pa niya at hindi pa rin binibitawan ang dalawa na yumakap din pabalik.

"Sige na Alina, alam kong may iba ka pang ikukwento sa'min, kumusta naman kapag nakikita mo si Sir June? Crush na crush mo pa rin ba?" tanong ni Yayo.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now