7 - Bittersweet Night

55 7 21
                                    

"Napakarami mo na palang achievements June kahit ilang taon ka pa lang sa pagtuturo," masiglang papuri ni Nanay Remmy sa pamangkin habang nagsasalo sila sa hapunan. Kanina pa si June ang kanilang topic at masaya namang binabahagi nito ang experiences nito bilang isang guro. Lahat naman na-impress sa kanya, mas lalo naman si Alina na hindi binabali ang pagkakatingin kay June. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Ricky. Imbis na matuwa dahil si June ang itinuturing niyang role model, naiinis tuloy siya.

Paano ba maging June Ybañez?

Nasamid tuloy siya habang naiisip ang goal na maging katulad ni June. Mabilis siyang napainom ng tubig at nagtakip din kaagad ng bibig. "Pasensiya na po," paumanhin niya.

"Hindi ba masarap ang pagkain kaya ka nasamid?" biro pa ni Nanay Remmy. "Naku, masarap po. Parang nakalunok lang po ako ng paminta," paliwanag naman ni Ricky.

"Mabuti kung gano'n, luto 'yan ni Alina," tugon naman ni Nanay Remmy. "Masarap talagang magluto si Alina," segunda ni Kikay.

"Tapos masipag pa," sabad ni Yayo.

"Wow. Ikaw pala ang nagluto nito? Nag-improve ka na nga Alina, dati kasi matabang at madalas sunog pa 'yong niluluto mo," biro ni June sabay sulyap kay Alina.

"Pinag-aralan ko talaga ang pagluluto, nahihiya kasi ako kay madam, ang dami na niyang naitulong tapos hindi ko pa aayusin ang trabaho ko," nakangiting sagot pa ni Alina at saglit na sinulyapan si June. Mariin niyang iniyuko ang ulo para itago ang pamumula ng pisngi. Napakalaking bagay na kasi para sa kanya ang kaunting papuri  nito.

Nag-aral talaga akong magluto para kapag mag-asawa na tayo, hindi mo ako iiwan at gusto ko laging masarap ang kinakain mo.

"Alina, huwag mong isipin masyado ang gratitude mo sa'kin. Napakarami mo nang naitulong Alina at nakikita ko ang dedication mo sa trabaho," paalala anman ni Nanay Remmy.

"Mabait talaga si Alina at malakas ang loob. Kaya bilib na bilib ako rito," pahayag naman ni June at biglang napakunot-noo su Ricky. Suspetsa niya talaga na may malalim ninagsamahan sina Alina at June kung magbitiw sila ng mga salita.

"Salamat kuya— Sir pala. Kasi baka maging prof kita sa university," nahihiyang tugon naman ni Alina.

"Excited ka na bang pumasok? Alam mo, mas maganda na doon," pakli naman ni June.

Aanhin ko naman ang ganda ng school? Mas maganda kung ikaw ang lagi kong nakikita.
Napailing na lang si Alina.








****








May panghihinayang sa mga mata ni Alina nang magpaalam si June kahit dis oras ng gabi. Good thing, medyo malapit lang pala ang nirerentahan nitong apartment sa mansyon. Ayaw pa sanang pauwiin si June ni Nanay Remmy dahil nabitin ito sa pakikipag-usap.

"O siya, mag-ingat ka huh," paalala ng matanda kay June. "I will tita, salamat po sa masarap na dinner," mapagpkumbabang sagot naman ni June bago siya pumasok sa kanyang kotse. "Babalik ako ulit," pahabol niya.

Hinintay lang nina Nanay Remmy at Alina na makalayo ang kotse ni June bago sila pumasok sa mansyon.

"Grabe, ang swerte ng mapapangasawa ni June. Masipag siya, matalino, guwapo at may ipon na rin. Ang alam ko ikakasal na dapat 'yon sa girlfriend niya," paglalahad ni Nanay Remmy at tiningnan kaagad si Alina para malaman ang magiging reaksyon nito.

"Ah, may fiancé na pala siya." Hindi pinahalata ni Alina ang lungkot sa kanyang tinig.

"Oo, kaso hindi ko naman tinatanong ang tungkol doon. Private kasi masyado ang batang 'yon at mas gustong pag-usapan ang politics, history at kung anu-ano pa kaysa personal niyang buhay," paliwanag ni Nanay Remmy.

Itinago ni Alina ang disappointment na naramdaman.

Hindi pa naman pala kasal, may pag-asa pa.

"Alina, bukas na ang death anniversary ng nanay mo. Balak ko rin sanang ipa-make over ka na sa salon para sa pasukan, anong uunahin mong puntahan?"

Lalong bumigat ang nararamdaman ni Alina nang ipaalala ni Nanay Remmy ang pagunita sa araw ng kamatayan ng nanay niya. She almost forgot about it, hindi dahil kay June kung hindi dahil sa katotohanang ayaw na niyang alalahanin pa na maaga siyang naulila.

"Pasensiya ka na Alina, pinaalala ko pa tuloy." Marahang hinagod ni Nanay Remmy ang likod ni Alina dahil napansin niyang dumilim ang mukha nito.

"Ayos lang po Nanay Remmy, pupuntahan ko na lang po ang puntod niya bago ako magpa-salon," sagot ni Alina. "Sige, matutulog na ako huh, ikaw din. Goodnight," sabi ni Nanay Remmy bago iwan si Alina.

Napatanga lang si Alina at mas piniling mag-stay sa garden para makalanghap man lang ng sariwang hangin bago matulog. Nakakapayapa kasi ng damdamin at isipan kapag nakikita niya ang mga bulaklak at halaman. Naalala niyang enthusiast sa pag-aalaga ng mga halaman ang yumao niyang nanay.

Napasinghap siya nang maramdaman ang gabutil na luhang bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Huwag kang iiyak Alina, huwag...

Napayuko ulit siya at minabuting damhin ang hangin na dumadampi sa kanyang balat. Kapag ganitong malungkot siya, expected niyang magkakasakit na naman siya sa susunod na araw.

"Nandito ka rin pala."

She sighed when she heard Ricky. Pinunasan niya kaagad ang luha niya bago ito lingunin. "At nandito ka rin pala..."

"Kanina pa nga ako nandito, pinakain ko pa 'yong pusa eh," paliwanag pa ni Ricky at naupo sa bakanteng espasyo ng bench na kinauupuan ni Alina. Kanina pa niya napansin ang pagluha nito kaya alam niyang hindi ito ang tamang oras para mang-asar. But in his mind, he wants to comfort her and tell her that everything will be alright— whatever problems she has to deal with.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba matutulog? Anong ginagawa mo?" biglang tanong ni Alina saka niya sinulyapan si Ricky. "Nagpapahangin din at nag-iisip, pero hindi gaya mo na umiiyak na parang kawawa," pambubuska naman ni Ricky, with his straight face.

"Sabi na eh, aasarin mo na naman ako. Doon ka na nga sa loob," taboy ni Alina.

"Punasan ko nga saglit ang luha mo." Kumuha si Ricky ng panyo mula sa bulsa at pinunas sa pisngi ni Alina pero bigla itong umiwas at hinampas pa siya sa balikat.

"Ano bang amoy 'yan? Malansa eh," tukoy niya sa panyong ginamit ni Ricky.

Natawa ang binata. "Ay sorry, kasama pala 'to sa pinagbalutan ng tinapa na naipakain sa pusa. Hindi ko pala panyo ito."

"Kailan mo ba ako titigilan?"
Mukhang umuusok ang ilong ni Alina sa inis pero taliwas naman 'yon sa naramdaman niya. Natawa siya sa ginawa ni Ricky dahil iba na naman ang paraan ng pambubwisit nito.
At least may bagong pakulo.

"Hangga't nandito ako, aasarin lang kita. Matulog ka na. Ang pangit mong umiyak." Lumakas ang halakhak ni Ricky at iniwang nakanganga si Alina sa isang tabi.

Ang gabing ito— magkahalong saya at lungkot ang hatid. But somehow, napapaisip din siya sa ginagawa ni Ricky at tingin niya ay nagpapapansin lang ito. Pero batid niyang hindi naman insensitive si Ricky sa kanya pati na rin sa ibang taong kasama nila sa mansyon.

Pero bakit ganyan ka Ricky?

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now