8 - Smile

62 7 27
                                    

"Mag-iingat kayong dalawa huh? Mag-text ka rin Alina kung anong oras kayo makakauwi," paalala ni Nanay Remmy bago bumyahe sina Alina at Ricky. Pinasamahan kasi ni Nanay Remmy si Alina kay Ricky dahil ayaw nitong ma-hassle sa byahe si Alina. Malayo kasi ang sementeryo kung saan nakalibing ang yumaong ina nito.

"Opo Madam, magte-text po ako kaagad," nakangiting tugon ni Alina bago sila lumabas ni Ricky sa mansyon.

"Nasaan ang sasakyan mo? Ibig sabihin magc-commute tayo?" takang tanong ni Alina.

Umiling kaagad si Ricky at inginuso ang old model na motor sa tapat ng gate.

"D'yan talaga? Hindi ako marunong sumakay ng motor eh," nakangiwing tugon ni Alina.

"Ano namang mahirap sa pagsakay ng motor? Uupo ka lang naman at kakapit. Mahirap ba 'yon?" pinataas ni Ricky ang timbre ng boses at isinuot niya kay Alina ang helmet. Sinadya niyang i-open ang shield part dahil batid naman niyang hindi ito sanay na mag-helmet.

And how did he find out? Noong unang beses ni Alina sa barrio nila, pinahatid niya ito sa kanyang kaibigan at binalita ng kaibigan niya na nagsisisigaw ito sa takot habang naka-backride. Natatawa pa rin siya habang inaalala iyon.

"Magc-commute na lang ako. Hindi talaga ako sanay eh." Huhubarin na sana ni Alina ang helmet sa ulo pero mabilis na ibinalik iyon ni Ricky saka isinara ang lock nito.

"Matigas 'yang helmet, kasingtigas ng ulo mo," pambubuska ni Ricky. Nauna siyang sumakay sa motor at walang nagawa si Alina kundi sumunod na lang din.

"Kumapit kang maigi, huwag kang ma-fall— sa motor. Medyo careless ka pa naman," paalala ni Ricky nang pihitin ang susi ng motor para mapaandar iyon.

"Okay," tipid na sagot ni Alina at sa gilid ng kalsada ang tingin. Napakapit siya dahil walang pasabing pinaharurot ni Ricky ang motor kaya nasubsob siya sa likod nito.

Ang bango.

She gasped, hahanap-hanapin na niya siguro ang pabango ni Ricky kung lagi niyang maaamoy ang pabango nito. Gustuhin man niyang idikit pa nang husto ang sarili sa binata, nauunahan pa rin siya ng takot habang nakasakay sa likod.

Ilang beses na kasi siyang nakakita ng mga motoristang naaksidente kaya may takot talaga siyang sumakay sa motor. Mas mabilis pa ang pagpapatakbo ni Ricky.

"Ano ba 'yan? Para kang bulateng sinabunan!" Ricky shouted, loud enough for Alina on his back. Nagpagewang-gewang sila dahil malikot si Alina, halatang ninenerbyos sa bilis niyang magpatakbo. Idagdag pa ang nakikita nitong kasabayan nilang malalaking vehicles gaya ng bus at forward trucks, just when they reached the highway.

"Sorry naman," buwelta ni Alina na parang diring-diri na hawakan ang balikat ni Ricky.

"Humawak ka sa baywang ko. Kahit idikdik mo pa sarili mo sa likod ko basta huwag kang malikot!" sigaw pa ni Ricky. Napakalaki ng ngiti niya nang sabihin 'yon kay Alina ngunit pagkairita naman ang mababakas sa kanyang tinig.

As of now, ayos lang ngumiti, hindi naman makikita ng dalaga ang mukha niyang natatakpan ng helmet at nasa likod naman ito. Gusto niyang kumapit ito nang maigi, in that way— he can consider that he already earned a trust from her.

At napakapit nga si Alina. Mas naamoy niya ang pabangong nanunuot sa leather jacket ni Ricky. Puwede na siguro siyang mag-stay nang gano'n katagal dahil banayad sa ilong ang naamoy niya pero napagtanto niyang malapit na rin pala sila sa destinasyon nila. Tunay ngang mas mabilis marating ang patutunguhan kapag nakamotor lang.

Tantiya niya na aabutin ng mahigit isang oras ang byahe kung magbu-bus pero naabot nila ng kalahating oras sa pamamagitan lang pala ng motorsiklo. Napabilib siya ni Ricky dahil doon.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now