15 - Finale

81 7 40
                                    

Alina woke up with a smile. May napanaginipan kasi siya kagabi, kasama daw niya si Ricky at niyakap siya nito. Kikiligin na sana siya nang husto pero ilang saglit ay may naalala siya— hindi pa tapos ang projects at homeworks niya sa Math!

Nagmadali siyang bumangon mula sa couch ngunit napakislot din siya kaagad.

Wait, bakit nandito na ako? Ang alam ko nakatulugan ko na ang assignments ko ah.

She shrugged and immediately tried to continue her unfinished works. And to her surprise, may mga sagot na ang math problems na pinaglalamayan niya kagabi.

"Alina, nag-o-overthink ka lang. Baka nga tapos mo na 'yon kagabi pero iniisip mo lang siya." Wala siyang kamalay-malay na naisatinig na niya iyon. Nag-stretching muna siya bago tumayo sa kinauupuan at ipinaling ang tingin sa kanan.

Halos takasan na siya ng kaluluwa sa sobrang gulat nang makita si Ricky na seryosong nakatitig sa kanya.

"Sino ba kasi 'yong iniisip mo huh?" kumurba ang ngiti sa labi ni Ricky at unti-unting nilapitan si Alina.

"Kailan ka pa dumating? Saka paano ka nakapasok?" tanong niya at saka umiiwas-iwas ng tingin.

"May duplicate key ako. Kaya nga ako nakapasok noong isang araw 'di ba?" sagot ni Ricky at pinaningkitan ng mga mata si Alina. "Sino muna 'yong naiisip mo?"

Umismid ito. "Sino pa nga ba? Eh 'di ikaw na hindi man lang nagsabi na doon ka pala nagtatrabaho sa university."

"Sorry, puwede bang mahiram ang oras mo para ikwento ko lahat?"
Iginiya ni Ricky pabalik sa couch si Alina at pasimpleng inakbayan ito.

Sinimulan niyang ilahad ang napag-usapan nila ni Nanay Remmy kung bakit kailangan niyang ilihim ang trabaho niya sa unibersidad. They also set an agreement. Hindi nila bibiguin si Nanay Remmy at mananatili silang commited sa isa't isa kahit hindi pa sila ganap na couple.










****








"I-text mo ako mamaya huh?"
Biglang lumitaw si Ricky sa harap ni Alina habang solo na naman nila ang library. Lumingon-lingon muna sa paligid si Alina bago tapunan ng masamang tingin si Ricky.

"Puwede bang huwag kang manggulat? Nagre-review 'yong tao eh," pagmamaktol niya at yumuko upang muling magbasa ng libro. She needs to gain more focus dahil finals exam na mamaya. Ilang kembot na lang ay malapit na siyang mag-fourth year student.

"Ayaw mo no'n? May lucky charm ka na mamaya dahil nakita mo ako." Matamis ang ngiti ni Ricky kasabay ng pagkindat niya kay Alina. Masaya sila sa ganitong setup, kahit hindi pa sila mag-on, nagtuturingan silang matalik na magkaibigan.

Dumidistansya naman sila sa isa't isa dahil mahigpit na ipinagbabawal para kay Ricky na empleyado na magkaroon ng karelasyon g estudyante sa loob ng unibersidad. Kuntento na siya na dinadalaw niya paminsan-minsan si Alina sa mansyon kapag pareho silang may free time.

Si Ricky naman ang nagmasid-masid sa paligid. Nakumpirma niyang wala talagang tao sa library at walang pasabing ninakawan niya ng halik sa pisngi si Alina.

"Hoy! Foul 'yon ah! Paano na lang kung may makakita? Saka hindi pa kita—"

"Hinaan mo ang boses mo, sige ka malalaman nila na malapit mo na akong maging nobyo," Ricky teased with his soft voice. Mahina lang ang pagkakasabi niya dahil baka nga may makarinig. Hindi lang siya nakatiis sa cuteness ng babaeng pinakamamahal niya ngayon.

And he giggled when he noticed how Alina's face blushed. "Sige, magtatrabaho na ako ulit, good luck sa exams!" aniya bago tumalikod.










Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now