14 - Promise

54 6 26
                                    

Dear Readers,

Thank you sa support ninyo. Dahil patapos na ito, gusto ko pong ipaalam na may upcoming 3rd part na ito. Introducing our very own Professor June Ybañez 😛💕

Sana suportahan n'yo pa rin dahil last part na po iyan ng LOL/ Love Or Luck Trilogy. Hehe. Enjoy!

 Enjoy!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





¤¤¤






Natapos ang buong araw ng klase ay hindi pa rin makapaniwala si Alina dahil sa nalaman niyang sa unibersidad din pala nagtatrabaho si Ricky.

Napahinto siya sa paglalakad nang tumunog ang kanyang cellphone. May message siyang natanggap galing kay Ricky.
"Ingat ka sa pag-uwi huh? Magpahinga ka para hindi ka nag magkasakit ulit."

Mabilis siyang nag-reply. "Anong oras ka uuwi? Sabi mo 'di ba 2 weeks kang magbabantay habang wala si Nanay Remmy?"

Pero imbis na panibagong reply, biglang nag-ring ang cellphone niya— si Ricky ang tumatawag.

"Hello Cardo," aniya na bakas ang pang-uuyam sa tinig. Medyo masama kasi ang loob niya dahil hindi man lang sinabi ni Ricky na sa unibersidad pala siya nagtatrabaho kahit nagkita naman sila. Parang sinadya nito na huwag ipaalam sa kanya.

"Umuwi ka na dahil gabi na rin. Huwag mo nang i-pressure ang sarili mo na gawin ang homeworks at projects na 'yan. Sa bahay mo na gawin," paalala naman ni Ricky na kalmado ang boses, tumatawa-tawa pa.

"Hindi ka ba uuwi?"

"Hindi eh, marami akong gagawin. Mag-iingat ka na lang."

"Ipaliwanag mo nga kung bakit hindi mo sinabi na dito ka pala nagtatrabaho?" she's eager to find out the reason. Hindi niya mawari kung bakit naging big deal ang paglilihim ni Ricky sa trabaho nito.

"Bakit ko naman sasabihin? Hindi naman kita girlfriend."

"Huh—" naputol ang nais sabihin ni Alina nang marinig niyang tinapos na ni Ricky ang phone call.

Sa kabilang banda ay nasaktan siya sa sinabi nito dahil pinamukha talaga sa kanya na wala siyang karapatang malaman ang lahat dahil wala naman silang relasyon.

Pero masama ba 'yon? Umamin naman kami sa isa't isa! Nangako pa kaming maghihintay hangga't sa maka-graduate ako. Napaka-unfair mo Ricardo, Cardo, Ricky o anumang pangalan mo letse ka!

Nasira ang magandang mood ni Alina at umuwi na lang sa mansyon. Pagkauwi niya ay inatupag na niya ang assignments na dapat gawin. Maigi na 'yon kaysa isipin pa si Ricky. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito. It seems like he's not serious enough. Masakit na umasa.

She better solve math problems instead of solving her complicated relationship status. Hindi naman siya makaka-graduate kung uunahin ang pagmamaktol ng puso niya.

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon