12 - Good Morning

45 6 25
                                    

"Okay ka na ba?"

Hindi inaalis ni Ricky ang paningin kay Alina kahit tapos na niya itong painumin ng gamot.

Alina slowly nodded. "Salamat huh?"

"Ano bang ginawa mo at nagkasakit ka?" tanong ni Ricky at inayos ang unan ni Alina para naman makatulog na rin ito nang maayos.

"Na-stressed siguro sa studies. Nanibago kasi ako at may activities pa sa ibang subject," malumanay namang sagot ni Alina.

"Dapat sana tinawagan mo ako," tugon ni Ricky nang pumuwesto siya sa gilid ng kama. He will stay awake just to take care of her, gano'n siya kadeterminadong alagaan si Alina.

Totoo namang pinagbilin ni Nanay Remmy si Alina sa pangangalaga niya dahil mahigit dalawang linggong wala ang mga ito sa bahay. Walang ibang mapapakiusapang magbantay kay Alina maliban sa kanya.

Kung hindi pa ibinalita ni Kikay na naramdaman nilang may sakit si Alina, hindi muna talaga siya pupunta sa mansyon.

"Nakakahiya, busy ka tapos baka hindi ka naman maka-relate sa pag-aaral," katwiran naman ni Alina at marahang pinikit ang mga mata. She felt like her temperature is rising up everytime she caught Ricky staring at her.

"Malay mo makatulong ako 'di ba? Sige. Magpahinga ka na. Lalabas na ako." He was about to stood up but he heard Alina mumbled something he couldn't understand.

"Ric— uhm..."

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong niya at hinipo ang noo ni Alina para ma-check kung mataas pa rin ang body temperature nito.

"Puwede bang dito ka lang?" pakiusap ni Alina at mariing kinumutan ang sarili. Pagkatapos ay pinagmasdan niya si Ricky na halatang nagulat sa pakiusap niya.

"Okay lang sa'yo?" dahan-dahang pumuwesto sa gilid si Ricky— sa kama ni Kikay na katabi lamang ng kama ni Alina.

"Oo, ayos lang. Natatakot akong mag-isa," sambit ni Alina. "Gusto mo bang buksan ko 'yong pinakamaliwanag na ilaw?"

"Huwag na Ricky, mahihirapan akong makatulog kapag nakabukas 'yan."

He sighed. "Okay sige. Matulog ka na, maya-maya kita gigisingin para mapaghanda kita ng almusal mo. Ilang oras na lang mag-uumaga na naman."

Napadako ang tingin niya sa wall clock, it's already 3 AM. Naalala niya na ganyang oras sila nag-away noon ni Alina na parang mga paslit na ayaw magpatalo sa isa't isa. Kaya kusa siyang napapangiti kapag nananatili siyang gising sa ganitong oras.

"Akala ko ba galit ka sa'kin? Bakit ang bait-bait mo na ngayon huh?" biglang tanong ni Alina.

"Akala ko naman natulog ka na, hindi naman ako galit sa'yo," paliwanag ni Ricky at sinalubong ang mapanuring tingin ni Alina. He blushed easily. How could Alina look at him like she admired him for a long time? O baka feeling lang niya 'yon dahil malamlam ang mga mata nito dahil sa trangkasong dinaramdam.

"Bakit mo ako laging inaasar dati? Galit ka ba? Naiinis ka ba?" nakahinga nang matiwasay si Alina matapos isatinig ang tanong na gusto niyang itanong kay Ricky noon pa man.

Umiling na lang si Ricky. "Kapag nagtanong ka pa, iiwan na talaga kita dito."

"Okay, hindi na ako magtatanong." Ipinikit muli ni Alina ang mga mata at nagpatalo na lang sa antok. Nadismaya siya dahil hindi naman sinagot ni Ricky ang tanong.

Ricky stayed beside her for two hours, wala siyang ginawa kundi magpalipas ng oras at binabad lamang ang mga mata kay Alina. He felt tranquility while looking only at her.








****








Pilit na ibinalanse ni Alina ang sarili pagkatayo niya sa kama. Alas otso na pala ng umaga at kahit paano'y naibsan ang sakit ng ulo niya dahil nakatulog siya nang ilang oras at nakainom na rin ng gamot.

Hinanap niya kaagad si Ricky at sapantaha niyang nasa kusina ito dahil may naamoy siyang bawang na ginigisa.

Napangiti siya at nagtungo sa kinaroroonan nito.

"Good morning," masigla ang pagbati niya at mabilis siyang nilingon ni Ricky.

"Maupo ka muna," paanyaya nito at hininaaan mun ang stove bago siya alalayan sa pag-upo.

"Para sa'kin ba 'yan?" Paulit-ulit na napalunok si Alina matapos siyang magtanong. Nakakahiya sa part niya, because she sounds too much of being what they called "assumera."

Nakakatakam naman kasi ang tortang itlog na niluto nito at may kasama pang corned beef.

Pagak na natawa si Ricky at pinandilatan ng mata ang dalagang napakagulo ng buhok. "No, sa'kin 'yan."

Parang sumikdo ang puso ni Alina, dapat pala hindi na siya nagtanong. Na-wow mali tuloy siya.

"Heto kasi ang para sa'yo." Bumalik si Ricky sa lutuan at may kung anong inihain.

"Lugaw na puro luya este— puro manok. Comfort food 'yan lalo na kung tamad kang ngumuya dahil wala kang panlasa," sabi pa ni Ricky at nagsandok siya ng lugaw para kay Alina. Kaunti lang at tama lang na mauubos nito.

"Here, eat na," utos niya at umupo sa upuang nakaharap din sa puwesto ni Alina. "I hope hindi ka mabuwisit kapag kumakain ka at ako ang kaharap mo," biro niya.

Bakit naman ako mabubwisit? Matutuwa pa nga ako eh. Sana pala lagi na lang akong may sakit.

"Hoy, kain na nga. Hindi na masarap ang lugaw pag lumamig na." May timbreng paasik ang boses ni Ricky.

Natikom tuloy ang bibig ni Alina na nakanganga pala habang nakatitig sa mukha ni Ricky. Parang umakyat lahat ng blood cells niya at pakiwari niya'y namula kaagad ang pisngi niya nang dahil doon.

"Okay, kakain na ako." Hinatak ni Alina ang bowl na may lamang pagkain. Dahan-dahan niyang isinubo ang isang kutsara at halos mapaso ang kanyang dila.

Mapakla ang ngiti niya pagkatapos. "Salamat, naalala ko tuloy si mama at papa. Tuwing may sakit ako, lagi rin nila akong pinagluluto ng lugaw."

"Sorry Alina." Napayuko si Ricky. Ramdam niyang labis na nalulungkot si Alina kapag naalala ang mga magulang nito. Kung puwede lang niya sanang mayakap ito, nagawa na niya kanina pa lang noong nasa iisang silid pa sila.

"Ayos lang. Salamat huh?"
Nagpatuloy muli si Alina sa pagsubo ng pagkain hangga't sa naubos niya rin. Ito na yata ang isa sa masasayang breakfast niya sa mansyon. It was also memorable, may dulot kasing kilig ang almusal na ito. Napalagok na lang siya ng isang basong tubig.

"Ah Ricky, wala ka bang gagawin? Okay naman na ako. Puwede mo na akong iwan." Kahit na gusto niyang manatili lang nang buong araw ang binata, mas pinili niyang ipagtabuyan ito.

"Sunday naman, wala akong pasok,"pakli ni Ricky at nagpatuloy na rin sa pagkain. Ilang minuto pa ay natapos din siya.

He washed the dishes and he checked Alina's body temperature.

Napangiti siya dahil alam niyang medyo bumaba na ang lagnat ni Alina. "Gagaling ka na nga, good."

"Magaling kasi ang tagapagbantay ko, salamat."Pinarisan ni Alina ng matamis na ngiti ang pasasalamat niya kay Ricky. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago umalis sa kusina.

Hindi niya namalayang nakasunod pala sa kanya si Ricky at marahang tinapik ang balikat niya. "Alina, wait. May gusto akong sabihin..."

"Ano 'yon?" dumagundong sa kaba ang pintig ng puso ni Alina. Naging seryoso ang baritonong boses ni Ricky at matamang pinagmasdan siya nito. Napako siya sa mapungay na mata ng binata at hindi niya namalayang hawak na siya nito sa magkabila niyang braso.

"Ano ba kasi—"

"Alina, mahal kita."

Sweet Yet Dangerous [FINISHED]Where stories live. Discover now