Chapter 1

5.7K 100 21
                                    


"Class dismissed." sabi ni sir Pol, teacher namin sa computer

Agad namang nag-ingay ang mga kaklase ko. This is our last subject so basically, tapos na ang klase.

"Tara, gala muna tayo." yaya ni Dawn, kaibigan ko

In between fair and morena ang complexion niya. She's not as tall as me but she's definitely pretty.

"Bakit? Manglilibre ka?" pilyang sagot ni Bianca. With fair skin, chinky eyes and long brown hair, she looked pretty

"Aysus, libre lang talaga ang makakapagpapayag sayo Bianca, kala mo namn talaga walang pera eh ang yaman yaman." sabat ni Alfie. Nakapanlalaking uniform pero pak na pak ang kilay.

Nauna nang maglakad sina Dawn. I fixed my eyeglass first before following them.

"Ano, Luna? Hindi ka na naman sasama? Ang kj mo na talaga ha!" sumbat ni Bianca sakin

"Tanungin ko muna si kuya, alam nyo naman ang isang yun." sagot ko

Napalunok si Bianca habang sabay sabay naman kaming napangisi sa reaksyon nya.

"O bakit ikaw ang kinakabahan?" puna ng natatawang si Dawn

"Paanong hindi kakabahan eh pinadalhan nya lang naman ng love letter si Archer kahapon!" tawa ni Alfie

Yes. Dawn likes my older brother, since the day she saw him. Mag-aapat na taon na siyang nagkakacrush sa kuya ko. Pero, crush pa nga ba kaya ang tawag dito?

"What? And he knew it was from you?" tawa ko rin

Napapikit si Bianca. Sa tinagal-tagal nyang nagkagusto kay kuya, ngayon ko lang ata narinig na gumawa na siya ng move.

"Paanong malalaman? Eh binasura agad nang hindi pa nababasa!" sagot ni Alfie, na ngayon ay humahagalpak na

Kumunot ang noo ko. Si kuya talaga kahit kailan..... Akala mo naman kung sinong gwapo.

"Kalimutan mo na kase si kuya Bianca, ano bang nagustuhan mo kase dun? Eh napaka barumbado nun eh."

"Bulag ka ba Luna? Paanong hindi magugustuhan eh, ang gwapo kaya ni kuya Archer." sagot ni Dawn

Ganun na ba talaga iyon ngayon? Porke gwapo, gusto agad?

"Tumahimik na nga kayo, nasa hallway tayo oh!" pagdidiin ni Bianca nang namumula

Iginala ko ang tingin ko at marami ngang dumadaan, ang ilang merong pakialam pero ang karamihan, wala naman.

Tumulak kami pababa nang hindi parin tinatantanan ng tukso si Bianca.

"Bakit--"

"Luna!"

Pare-pareho kaming napalingon sa sumigaw. Namula ako nang mapagtantong napalakas iyon ni Leo, kaya napalingon din ang ibang dumadaan.

"Uyyyy ayan na naman siya!" kinikilig na sambit ni Dawn

"Hi papa Leo." biro ni Alfie at humarang

Inilahad niya ang kamay kay Leo na nakangiti, tila hinihingi ang bulaklak na dala.

"Come on fafa, give it to me." malanding sinabi ni Alfie

Natawa si Leo at napailing. Gwapo si Leo. Matangkad ng konti sakin, maputing-maputi ang kutis at brown ang kanyang mala koreanong buhok. Isa talaga siya sa mga tinaguriang oppa dito sa campus. He looks exactly just like one.

"Hindi para sayo 'to." tanggi ni Leo

Napahagalpak naman ng tawa sina Dawn.

"Narinig mo namang ang lakas ng sigaw kanina na 'Luna!' diba? Tapos aassume-assume ka pa!"

Scarred HeartWhere stories live. Discover now