Chapter 25

2.4K 47 9
                                    


Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kinusot ko ang aking mga mata at iginala ang paningin.

I can see a grey couch... a glas coffee table... a tv... a large closet... a vanity... a full body mirror and many more.

Oh yeah right. This is not my room, this is Doc Adam's.

Ipinikit ko ang mata ko at inalala lahat ng nangyari kahapon. I hugged the pillow, like it will ease me astleast.

My heart hurt again when I remembered the jail scene.

Anong oras na siguro akong nakatulog kagabi...grabe kase ang iniyak ko. I felt severely brokenhearted....magpahanggang ngayon. Walang kapantay ang sakit.

It was a different kind of pain....the pain that I don't think will ever be healed.

Ugh... I don't really feel like waking up but... I'm not in my house so I should.

For sure, I look like shit now.

Nagmamadali akong bumangon at humarap sa full body mirror. Tama nga ako, ang pangit-pangit ko! Namamaga ang mata ko sa kakaiyak at sabog-sabog ang buhok ko. Suot ko din ang maluwag na shirt ni Doc at ang kanyang may kahabaang shorts. Nagmukha tuloy akong..... baliw.

I went to the bathroom and washed my face. Kompleto ng gamit ang cr dito at malaki din. I shrug my shoulders then went out.

Kinuha ko ang aking shorts at iyon ang isinuot instead of the shorts that Doc gave me. Hindi ko nalang iyon tinack-in at hinayaang magmukha akong walang shorts dahil sa haba ng shirt.... okay lang mas komportable ako.

Sinuklay ko ang aking buhok at kahit gustong-gusto kong takpan ng concealer ang undereyes ko, wala akong magawa dahil hindi ko naman dala ang make-up kit ko. Wala akong kahit na ano sa mukha...walang kahit na tint..bare faced beauty ang peg ko today.

I sighed and wore the slippers that Doc gave me at lumabas na ng kwarto.

Habang naglalakad pababa ay nag-isip ako ng magandang pambawi kay Doc. Paano ko kaya siya masusuklian sa lahat ng itinulong niya sakin?

Should I really do what he told me to kahit na nakakatawang pakinggan?
Okay fine.... but I feel like it's still not enough.

Bahagya akong napaigtad nang may sumalubong sa akin, pagkababa ko ng hagdan.

My heart fluttered when I saw a very cute white dog that's wiggling her tail.

She has a luxuriant fluffy double coat and foxy face with alert prick ears. The body's hape is fairly square and the fluffy tail curls up and over the back. There's a thick ruff around her neck and her head is somewhat rounded with a distinct muzzle.

Ang cute nya!!! Ang sarap yakapin.

Lumuhod ako at kinuha siya para mayakap. Nakakatuwa kase at home na at home siya sa braso ko!

"Ang sarap naman nga yakap mo, bebe. Sino amo mo? Si Doc ba? Hihi mahirap muna kita ah?" kausap ko doon sa aso

Ang cute cute nya! Perfect lang ang size nya....... pero, parang hindi ko naman ata siya nakita kahapon?

Itinaas ko siya ng bahagya at aliw na aliw na tumitig sa mukha nya. I even nuzzled her sa tuwa.

"Naku ang sarap mo namang kagatin!" nanggigil kong sabi

I hugged her even more... feeling his fluffy skin. Para lang akong may yakap-yakap na teddy bear!

"Do you like her?"

Napatingin ako sa nagsalita ako at nakita ko si Doc. Nakapamulsa habang nakatitig sa amin ng aso nya. He's now wearing his attire... off to duty siguro. Naka crisp white button down dress shirt na naman siya na tinupi nya hanggang siko at black suit pants. Malinis din ang pagkakawax ng buhok nya at kahit ilang dipa ang layo namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang mamahalin nyang pabango. Nagpadagdag din sa appeal nya ang kanyang rolex watch..... naalala ko tuloy yung bracelet na ibibigay ko sana noon....I feel like babagay yun sa suot nyang relo.

Scarred HeartWhere stories live. Discover now