Chapter 14

2K 68 4
                                    

Dahil nga sobrang tagal ko na natulog kagabi, este, kanina, magtatanghali na akong nagising.

And trust me, pagkagising na pagkagising ko, si Adam agad ang unang pumasok sa isip ko. Pagkatapos kong magdasal at magpasalamat sa Diyos ay halos maglupasay ako sa kama!

Gulong dito, gulong dun ang ginawa ko! I can't contain my happiness! Hindi ko alam pero sobrang saya ko!

Totoo nga, wala ngang makakapantay ng saya ng pagiging inlove. Ang mas masaya pa dun, mahal din ako ng taong mahal ko at hindi lang yun, kami na! After almost 2 years, finally, sinagot ko na siya!!

Ohmygod, I still can't believe it. Parang nagfaflashback sakin lahat ng simpleng pangingistalk ko sa kanya noon. Yung simpleng pagsulyap ko sa kanya kapag nakikita ko siyang kasama nina kuya, sa hallway, sa library at sa court!

Noon, isa lang ako sa mga lihim na nagfafangirl sa kanya, ngayon, girlfriend na ako ni Adam the great Consunji!

I spent almost an hour just to think about what exactly happened. Natagalan din akong pakalmahin ang sarili ko.

After calming myself, I immediately took a bath and dressed myself up. I wore a high-waisted short denim shorts and a tight-fitted white sleeveless cropped top. Itinali ko lang din ang buhok ko at nagliptint. Pagkatapos ng usual morning routine ko, tho hindi naman na talaga umaga ngayon dahil alas dose na, bumaba na ako. I don't know pero habang humahakbang ako sa hagdanan ay kinakabahan ako.

Hindi ko kase alam kung ano ang sasabihin ko sa pamilya ko at lalong lalo na sa mga kaibigan kong wala talagang kaalam-alam. Tho si kuya, alam nya na kase sa kwarto nya natulog si Adam, nasabi na namin sa kanya na kami na. For sure magugulat yun sila kapag nakita nila si Adam. And oh God, I can already imagine Alfie's extravagant reaction.

"Ate, asa'n po sila?" tanong ko sa isang katulong nina Tito

Ni isa sa kanila ay hindi ko nakita sa loob ng bahay. They're probably swimming by now? Tanghali na kase.

We're staying here in this island until tomorrow nga pala. May kanya-kanya na kase kaming ganap the day after tomorrow kaya last day namin bukas at plano ko sana talagang magswimming lang ngayon since hindi pa ako nakakapagdagat masyado dito dahil nga busy ako kahapon ng slight.

"Nasa kubo po ma'am, nagtatanghalian na. Kayo na nga lang pong wala dun eh,"

I don't know why but heart raced more with what she said.

"Po? Silang lahat po?" pagkaklaro ko

"Opo. May gwapo nga dun ma'am eh na hindi ko naman nakita sa birthday mo kahapon. Kaaano-ano nyo po yun ma'am?" inosenteng tanong ni ate

Umawang ang bibig ko at dahil hindi ko siya masagot-sagot ay tinawanan ko nalang at lumabas na ako ng bahay.

When I saw the hut, my heart almost fell due to nervousness when I saw all of my relatives, my friends, and  Adam, eating in the same table! Nakapalibot sila sa iisang mesa, sabay-sabay na kumakain!

I blushed nang makita ako ni kuya na papalapit sa kanila at lalo na nang humalakhak siya ng pagkalakas-lakas. Halos mangatog naman ang tuhod ko sa mga titig na ibinibigay nila sakin! Fck, I didn't know this could be this awkward!

Now, wala na akong kawala. Lalo na ngayong andito ang nanunuya kong kapatid at ang napakagwapo ko as usual na......boyfriend!

Tanging si kuya lang ang gumawa ng ingay nang makalapit ako. And damn, halos lahat sila ay kung hindi nakangisi, nagpipigil ng ngiti! I awkwardly greeted them and all they did was to smile, they did not even greeted me back!

"Anak, join us here! Dali!" nakangising ani mommy at tatabi na sana ako sa space na ibinigay nya sa akin nang bigla na namang sumingit si kuya

"Ano ka ba mom, may space naman sa tabi ni...ehem...Adam eh." nakangising aso na si kuya Archer ngayon

Scarred HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя