Chapter 18

1.9K 56 4
                                    


Mugtong-mugto ang mga mata ko kinabukasan. I am so ashamed to face my family with my puffed eyes!

Alas dose na ako nakatulog kagabi, hoping na baka magreply pa si Adam pero wala eh...hanggang ngayon hindi nagrereply.

Kahit....happy birthday man lang sana, wala eh.

Ang nakakalungkot pa, pati parents ko nakalimutan din ang birthday ko. I guess they were so preoccupied with their anger at each other that they forgot about it?

But...it's okay. Hindi naman ako nakalimutan batiin ni kuya na dinalhan pa talaga ako ng cake kagabi, and besides, hindi naman ako nakalimutan ng mga kaibigan ko.

But still, it hurts.

Okay lang na makalimutan nila ang birthday ko, maging okay lang sana ang lahat. Okay lang talaga.

Nagising ako ng ala-una sa hapon pero dahil nga ramdam na ramdam ko ang pagod, hindi ako nakontento kaya natulog ulit ako.

Nagising ako, this time dahil na sa lakas ng kalabog sa kabilang kwarto. Napabalikwas ako nang marinig ang dumadagundong na boses ni Daddy.

"Ano? Aalis ka? Magsasama kayo ng kabit mo? Ha?!?"

Pumikit ako kasabay ng pagkagising ng aking diwa.

Shit. Eto na naman ba?

Nagmamadali akong pumunta sa kwarto nina Daddy at napatakip ng bibig nang makita si mommy, nagkukumahog na mag-impake!

"Mom!"

Nilapitan ko si mommy at naiyak nang makita ko siyang umiiyak.

She looked freaking determined.

"Anak," mahinahon nyang sabi at hinawakan ang braso ko

"Aalis ka? Iiwan mo kami? Mommy naman!"

Humagulhol ako at napaupo sa tabi nya. Nanginginig ang sistema ko.

"Anak, pagod na ako. Aalis muna ako," nahihirapan nyang sinabi

I heard Daddy's loud cry.

"Putang-ina, ano? Ganyan mo na ba sya kamahal para piliin siya kesa samin? Ha?" Daddy angrily fired

Umiling si mommy at nahulog ang puso ko nang magpatuloy siya sa pag-iimpake.

Gustong gusto kong magsalita pero nauunahan ako ng sakit!

"Anong nangyayari?" I heard kuya

"Yang magaling mong ina, sasama na sa kabit nya!" sagot ni Dad

Umiling ako at humagulhol. Sa tingin ko mauubos na ang luha ko sa kakaiyak! Ngayon lang ako umiyak ng ganito!

It was so hard for me to see my mom being so determined to leave! She's leaving us! Fcking shit!

"Mommy! Wag sa harap ni Luna!" pigil ni kuya at hinatak ako patayo

Nanghihina kong niyakap si kuya at sa dibdib nya ako umiyak ng umiyak.

"Kuya, bakit? Bakit.....parang ang dali dali para sa kanyang iwan tayo?"

Naramdaman ko ang pagkuyom ng braso ni kuya. He hugged me tighter.

"Shhh, Luna, hindi maganda para sayo to."

Wala akong pakialam. Ang alam ko lang, ang sakit sakit ng puso ko! Masyado akong nasasaktan sa mga nangyayari!

Sandali kaming natahimik lahat. Tanging ang hagulhol ko lang, ni mommy at ni daddy ang naririnig ko. I know kuya's on the verge of crying too, but....he's just trying to be strong dahil lahat kami hinang-hina na!

Scarred HeartWhere stories live. Discover now