Chapter 16

1.8K 53 6
                                    

Kinabukasan, maaga kaming bumaba ng bundok at napagkasunduan naming mag-overnight kina Adam. Gusto ko kaseng masulit ang break ni Adam.

Naligo ako at bumaba na para makapaglunch.

Bababa na sana ako nang makitang bukas ang kwarto ni mommy at marinig siyang nakikipag-usap na naman sa telepono.

Tumigil ako at tatawagin sana siya nang marinig ko siyang sumagot.

"Lim, hindi ako pwede ngayon, mahahalata na ako ng mga bata." aniya sa isang malambing ngunit malungkot na boses

Kinilabutan ako at nasapo ko ang aking dibdib.

Hindi si Daddy ang kausap nya and I hate how she sounded! But....siguro babae yun? Or...katrabaho nya? About sa trabaho?

Pero mahahalata? Nino? Namin ni kuya? Anong mahahalata?

Binabalikan na naman ako ng mga alaala at hinala noon.

Ayokong maramdaman ito ulit pero hindi ko mapigilan.

I saw how mommy's eyes widened when she saw me standing near the door. She immediately click her phone and went to me, rushing.

Mom, bakit ka nagpapanic?

I calmed myself secretly and pretended like I didn't hear anything.

"Kanina ka pa dyan, anak?"

"Uh hindi po mom,"

She sighed.

"S-Sino po yun?" I asked innocently

Nakita ko kung papaano nanlaki ang mata nya at umawang ang kanyang bibig, like she don't know what she's gonna say.

"U-Uh, supplier anak. Pinapapunta kase ako ngayon." she nervously explained

I nodded and tried to stretch my lips for a smile.

"Tara na po sa baba," aya ko

"Hindi, sige una ka na muna anak. May aasikasuhin lang ako."

I nodded and then went down nalang.

"Oh biyernesanto ang mukha natin, anong meron?" nakangising puna ni kuya habang ganadong-ganadong kumakain

I sighed and opened the ref to fetch water.

"Wala," tanggi ko at tumungga

Ayokong sabihin kay kuya, wala naman kase yun. I trust mommy naman.

I sat and started to eat.

"Kamusta nga pala yung hike nyo?" tanong nya

His question lightened up my mood. I remembered my nosy friends, and my handsome and sweet boyfriend.

"Ang saya kuya. Ang sarap palang maka-akyat ng bundok. Sobrang presko ng hangin." nakangiti kong sagot

"Lalo na kapag si bf kasama no?" panunukso nya

"Oo naman, kaya ikaw kuya, mag girlfriend ka na din. Tanda-tanda mo na."

May nababalitaan akong kafling nya pero lahat yun, hindi seryoso. I wonder, sino kaya ang napupusuan nitong lalaking to? Maimbestigahan nga, hahaha.

"Meron na ako sister," nakangisi nyang sagot

I shot my brows to him.

"Ses, kaya ka ba ganadong ganado ngayon?"

He's just so happy today. Kaya pala.
Iba talaga ang sayang hatid ng pag-ibig, charot.

"Yes, yieee"

Scarred HeartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu