Chapter 30

2.9K 51 4
                                    

Napangiti ako nang may makitang panibagong lunch box at isang tangkay ng sunflower sa desk ko. Walang note na nakadikit.... pero alam ko na kung sino.

'Eat well, babe.'

Agad akong nagtype pagkabasa ko sa message ni Adam.

'Thank you babe. I appreciate your effort... kiss kita pag nagkita tayo :*'

Itinago ko na ang aking cellphone dahil narinig ko na ang bell. Magsisimula na naman ang klase ko at good mood na naman ako neto.

Paano ba kase... Adam never fails to make my heart flutter.

For the past months, ganyan siya eh, kung ano-anong ipinapadala sa akin at parati akong nilulutuan ng healthy foods, ayaw daw kase akong magutom which is very very him.

Pinagtitinginan na nga ako ng mga estudyante kapag dumadaan ako sa hallway, pauwi at may dala-dalang bouquet. I'm very lucky, yes.

"Taray te, regular ang padala ni bakla. Nakakainggit naman.... kanina kaya yan? Hmm." pakikiusisa ni Carm

Hindi nila alam na nagkabalikan kami ni Adam, I just don't know how to tell them... even Carm. Wala lang, hindi ko naman tinatago, hindi ko lang din talaga ipinapublic.

My day went well, wala ata akong napagalitang estudyante kase nga good mood ako.

"Inlove ka ma'am no?"

Pinaningkitan ko iyong isang estudyante ko. It's my last class for today.

"Wag mo nang tanungin, obvious naman sa kintab ng kutis ni ma'am eh... blooming masyado."

Napailing ako nang isa-isang nagbigay ng sentimyento yung mga estudyante ko. Kesyo daw baka si Vince, kesyo daw baka iba... hayy naku mga bata talaga, oo.

"Siguro yung nagbibigay ng bulaklak sa kanya. Yieeee."

"Malamang Cindy!"

"Oo nga for sure! Sino kaya? Gwapo jowa mo ma'am?"

Naku kung masama lang ang timpla ko ngayon, baka kung ano nang nasabi ko sa pangungusisa ng mga batang to.

"Mag-aral muna kayong mabuti bago kayo makichismis sa lovelife ng teacher nyo, ha?" pangangaral ko gamit ang sarkastikong boses

They laughed and some of them pouted... natamaan ko ata.

Puro kase kalandian ang inaatupag eh.... pero sabagay, maaga din naman akong naglandi noon, hihihi.

Lumabas na ako sa classroom at naglakad na papunta sa faculty.

"Hala meron daw? Sige asa'n ba?"

"Gaga ka may klase pa tayo!"

"Edi sabihin nalang nating umihi muna tayo, duh."

"Oo nga Mela tsaka gwapo daw talaga eh sayang naman kung hindi natin makita."

"Hoy ano ba kayo, matanda na daw!"

"Eh ano naman ngayon? Sisilip lang naman kami eh!"

"Tsaka age doesn't matters!"

Napapailing ako. Naku naku naku, isasakripisyo pa talaga nila ang pag-aaral para sa 'gwapo' daw.

Tumigil ako at tinawag sila.

"Hala baka narinig ni Ma'am!"

"Tanga mo kase ang lakas ng boses mo."

"Hep hep! Wag kayong magsisihan kase malamang maririnig ko kayo dahil hindi naman kalakihan ang hallway. At ano ka nyo? Hindi kayo papasok para sa 'gwapo'? Really? Sinong subject teacher nyo ngayon? Si Miss Pilar ba?"

Scarred HeartWhere stories live. Discover now