Chapter 7

2.1K 82 4
                                    


The next two days, hindi na ako nagpunta sa private library. Sa bahay na ako nag-aral, nakiusap ako kay Miss Fe kung pwedeng sa bahay nalang ako magconcentrate and at first, she didn't agree dahil kailangan ko raw ng mag-gguide sa akin pero inexplain ko sa kanya ang nangyari at sinabi ko rin sa kanya na patapos narin naman kami ni Adam kaya okay lang na ako nalang. Ayun, pumayag naman si Miss basta makakareceive lang siya ng update everyday.

Salamat naman sa Diyos at natapos ko ang pagrereview. Tho inoocuppy ni Adam ang isipan ko, pinilit ko pa ring magfocus.

Sa bahay, parati akong balot na balot kung magdamit, takot na baka makita nina mommy ang pasa ko sa kung saan saang parte ng katawan. Mabuti nalang din at gumaling na ang iba ngayon at ang iilan ay pagaling na. I feel better.

Nalaman kong kaya pala umalis ng maaga si kuya noong martes dahil pinuntahan niya si Adam. Alam nya rin na ako ang nagbigay kay Adam nun, pero hindi naman nya ako sinisi.  Hindi din niya alam ang nangyari sa campus. I also asked him about Adam last night and he said Adam's very much okay at hinahanap daw ako nito sa kanya. Mabuti nalang at pinagtakpan ako ni kuya, nakiusap kase ako.

Today is Friday at acquaintance party na namin mamayang gabi. Ayoko na sanang umattend kaso nagui-guilty naman ako dahil nakapagpromise na ako kina Dawn at nag-effort na si mommy sa susuotin at magiging look ko mamaya. Pinayagan rin ako ni Miss Fe, tapos na kase ako sa pagrereview basta lang daw maaga akong uuwi para hindi ako masyadong bangag bukas.

Kasama ko si mommy ngayon at kasalukuyan kaming nasa isang kilalang nail salon. We went here to get our nails fixed. Dapat ay yung akin lang pero para hindi mabore si mommy, sumali nalang din siya.

Sa bahay na ako aayusan, mommy hired a famous make-up artist. Ayaw nya kaseng magpa-awat. Aniya'y last acquaintance ko na daw to bilang isang junior highschool kaya itotodo na daw nya. I just let her do what she wants tho, I know it'll make her happy and I want to make her happy kase.

Bandang alas kuwatro na kami nakabalik sa bahay kaya nagmadali na ako sa pagligo. After taking a bath, doing some skincare stuffs, and wearing my robe, nagpamake-up na ako.

"Sa totoo lang madame, maganda na itong anak nyo eh. Konting ayos lang, pak na pak na!" puri ng bading na make-up artist

Si mommy naman ay tutok na tutok.

"Naku salamat. I know my daughter's really pretty, but make her even prettier." pakiusap ni mommy habang nakangisi

"Sure madame!"

It took almost 2 hours before it was finally done. Nafix na din ang hair ko,    naka half ponytail iyon at wavy ang dulo para may details. Meron ding iilang takas ng buhok sa gilid para mas maarteng tignan. Peach yung kulay ng aking lipstick na bumagay sa  light brown kong eyeshadow at blush on. It's minimal looking kaya hindi ako masyadong nababagabag. Light lang din sa pakiramdam lahat ng inapply nya. My soft features were more emphasized. Hindi na din ako nagpalagay ng eyelashes since hindi ako komportable nun, simpleng mascara nalang.

I also have my contacts on since malabo nga ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin kase magmumukha akong timang.

"Ang ganda mo talaga anak! Manang mana ka sa akin!" masayang puri ni mommy habang hinahawakan ang balikat ko "Thank you Emgee ha? You are a true fairy godmother!" pagpapasalamat ni mommy sa nagmake-up sa kin

"Thank you po. I like it." pagpapasalamat ko din

"My pleasure,"

Pagkatapos ma make-upan ay nagbihis na ako. Black and white yung theme namin. I wore what mommy bought from her designer friend. It was a square neck sleeveless body hugging plain black dress na hanggang tuhod ang haba. Kahit sa murang edad ay may hubog na ang katawan ko kaya mas naemphasize ito dahil hapit na hapit ang dress na iyon sakin. It looked sexy kahit wala iyong slit. Pinartneran ko iyon ng black Gucci heels na chunky yung heels at mababa lang iyon. Nagmukha akong college, may katangkaran kase ako.

Scarred HeartWhere stories live. Discover now