Chapter 11

1.9K 67 4
                                    

Hinigit ako ni Adam hanggang sa hindi ko na makita at marinig si Roi. We both stopped, at kahit hindi naman talaga nakakahingal o nakakapagod ang ginawang paghigit Adam sa akin ay hiningal parin ako, maybe because of too much nervousness?

I mentally thanked him for dragging me tho, or else alam ko na agad na maabutan ako ni Roi at baka kulitin nya pa ako. I don't want to make a scene here and also, I don't want to give him what he wants since I can't.

Kinakabahan naman talaga ako sa tuwing nasa malapit si Adam o di kaya'y nakatingin siya sakin pero....mas kinakabahan ako ngayon, lalo na nang salubungin ako ng galit nyang mga mata at umiigting nyang mga panga. Hindi siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko sa bilis ng paghinga at sa pagtaas ng kilay nya ang galit.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin gayong nahuli nya akong may......kadate? Date nga ba iyong nangyari sa amin ni Roi gayong ibang iba naman sa normal na date ang aming usapan.

But Luna, date parin iyon.

"Uh, andito ka pala." awkward kong sinabi nang nakayuko

I feel like, isa akong batang naghihintay na pagalitan ng magulang. Fck. Why am I feeling this, anyway?

"So this is where that kid brings you, huh? Oo nga't tago ito. This is perfect for those couples who badly want to hide their relationship." ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses nya

Sht. Sinasabi ko na nga bang namis-interpret nya.

"Hindi ko siya boyfriend, Adam."

He cocked his head and gave me his mocking smile.

"Really? Why lie to me about being busy, just to meet that kid, then?" tanong nya, ipinagdidiinan ang 'kid'

"May pinag-usapan lang kami." mahina kong sagot

"Yeah right and you probably had a misunderstanding so you ran away from him."

Teka lang, bakit parang galit siya?  Ano bang problema nya?

Pero sabagay, kung si kuya Archer ang nakakita sa amin ay paniguradong magagalit din iyon kaya siguro icoconsider ko siya since I know his affection towards me is pure brotherly?

"Bakit ka nandito?" inosente kong tanong

Adam is still in his uniform, so I guess dumiretso siya dito pagkatapos ng klase? Bakit? May kikitain ba siya? Kakain ba siya mag-isa o may date siya?

Ang galing nga naman ng pagkakataon diba? Sa dami dami  ng pwedeng makakita samin ni Roi, siya pa talaga. But I don't feel guilty anyway, wala naman kaming ginawang masama ni Roi.

Ang tanging nakakapagpaguilty lang sa akin ngayon ay ang katotohanang medyo nagsinungaling nga ako sa kanya.

"Break up with him." malamig nyang sabi, sa sobrang lamig ay nanuot sa sistema ko

I closed my eyes, hard.

"I said, he's not my boyfriend." pagdidiin ko

He still looked unconvinced. Medyo madilim na dahil mag-aalasais na ng gabi. The darkness emphasized his hard clenched jaw. He sometimes smile but with no hint of humor, at all.

Sa tingin ko ay kahit na anong deny ko sa kanya dahil yun naman ang totoo, hindi siya maniniwala. Umiling nalamang ako nang mapagtantong walang patutunguhan 'to.

"Uuwi na ako, bukas nalang tayo mag-usap." sabi ko sa kanya at naglakad na palabas

I can hear his large noisy footsteps behind me.

My breathing is getting really heavy. Ang pagkainis ko kanina kay Roinay nawala agad nang parang bula at napalitan iyon ng kaba dahil kay Adam. What a transition.

Scarred HeartWhere stories live. Discover now