Chapter 23

2.3K 70 3
                                    

Kung noon ay tila kay bilis ng oras para sa akin, ngayon sa tingin ko ay kay bagal bagal nitong umusad.

Mag-iisang buwan narin akong nakalabas sa ospital at sa loob ng isang buwan na yun ay wala akong ibang hiniling kundi ang tuluyan kong pag galing.

Gustong-gusto ko nang lumabas noon actually at pumunta sa presinto pero alam kong kapag nakaharap ko ang hayop na yun, baka.....baka hindi ko na naman kayanin. Natatakot ako na baka kung anong pwede kong gawin kapag nadala na ako masyado ng galit.

Hanggang ngayon ay hindi ko padin alam kung anong naging dahilan ng pagkakapatay ni Daddy, I can ask it to the police but....I wanted to ask it directly to the murderer. Nahatulan na siya ng kasong 'murder' at nasentensiyahan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo and it soothes me for now.

I want to talk to him and shout at him, curse him but....I just don't think I'm ready for it. Dalawang buwan.....dalawang buwan palang iyon at masyadong pang sariwa ang sugat na nagawa nya sa akin kaya ayoko na munang dagdagan iyon.

I am mad, yes. But I don't want to be impulsive. Once and for all, I want to be mature enough to know my limitations.

Gusto kong kapag nakaharap ko na ang suspek, at malaman ko ang dahilan ay hindi ako umiyak, hindi ako magwala. I want to be strong the moment I face him, to cry in front of that asshole is the last thing I want to do.

Imbes na magpadalos-dalos ay pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagpapagaling. Araw araw akong nag-eehersisyo para sa paghinga at pagsasalita, maging para narin mapalakas ang aking katawan at masasabi kong bumuti na ang aking lagay.

Lumalabas lang ako ng bahay kapag nagjojogging, bumibili ng essentials sa bahay, nagpapacheck-up, o di kaya'y binibisita ang puntod nina Daddy at kuya. Constant ang check-up ko every week, at araw araw ko ring iniinom ang mga maintenance ko.

Nagiging mas matatag ako sa araw-araw na pagsusumikap na gumaling....kahit na talagang kay haba ng bawat araw para sakin.

Naiiyak ako minsan sa lungkot dahil wala na akong naririnig na tawag ni Daddy o di naman kaya'y halakhak ni kuya. I felt very lonely living in a house full of good memories.....na ngayon ay hinahanap-hanap ko pero kailanma'y hindi ko na mababalikan.

But...it's okay. Gaya nga ng paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko, kahit ramdam na ramdam ko na iniwan na ako ng lahat, ang totoo ay meron padin namang nanatili at mananatili gaya nalang ng mga kaibigan ko.

Kasalukuyan akong nasa kusina, umiinom ng apple juice, kakatapos lang mag-ehersisyo.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdesisyong magpost sa aking instagram account. It's been a while since my last post....it dated 4 months ago already so I decided to upload atleast 1 update.

Ang inupload ko ay ang larawan ng halaman namin dito sa bahay, malusog iyon at berdeng berde.

I captioned it with 'living' and minutes after I successfully uploaded it, I received a lot of messages asking about my condition and congratulating me for being a survivor.

'Kamusta ka na Ma'am?'

'We hope you're well, Ma'am Luna.'

Iyon ang karamihang komento ng mga estudyante ko.

'Fighting Ma'am!' -dawntme

'Taray ng halaman mo sis ah, humahataw. Sana ol.' -alfieeling

'Miss you besh!' -carma

'Bisitahin kita, teacher.' -vince_06

Maya-maya pa ay nakareceive na naman ako ng notification.

adamconsunji liked your photo.

Scarred HeartWhere stories live. Discover now