Chapter 2

3K 90 14
                                    


The news about Adam Consunji training me spread like a wildfire. Hindi na iyon kataka-taka lalo pa't kalakip ng kanyang pangalan ay ang kasikatan. Ang mga bulong-bulungang naririnig ko maski sa hallway ay hindi ko nalang pinagtutuunan ng pansin. Lilipas din lahat ng yun.

"Luna, kamusta na nga pala yung panliligaw ni Leo? Naku, magaling dumiskarte iyon." nakangiting sabi ni Dawn

Nasa cafeteria kami ngayon, lunch na kase kaya kasalukuyan kaming kumakain.

"Oo nga, lahat ata ng mga naging jowa nyan inispoil nya sa mga materyal na bagay eh." pagsang-ayon ni Bianca

"Pinatigil ko na siya kahapon," simple kong sagot pagkatapos sumubo

Eksaherada namang nanlaki kunway ang mga mata ni Alfie.

"Choosy ka pa ba sa kanya Luna? Ay naku te, ikaw ha, kakaiba ka talaga. Ikaw na nga tong matetrain ni Adam, ikaw pa tong nanrireject kay Leo." umiiling-uling na sabi ni Alfie

"Hindi naman na kataka-taka yun. Palagi namang nanrireject yan eh.Pero sayang parin, Leo's a good catch."

"Hayaan na natin si Luna, I understand where she's coming. Mahirap nga namang sagutin ang taong hindi naman natin gusto." pagsang-ayon ni Bianca

"Relate na relate ka ba Bianx? Bakit, hanggang ngayon ba ay wala paring pag-asa si Anton sayo?" tanong ni Dawn habang nakataas ang kilay

Anton is Bianca's long time suitor. Kahit na paulit-ulit itong tinatanggihan ni Bianca ay pursigido parin ito.

"Wag mo nang tanungin Dawn, alam mo namang si Archer ang gusto nyan." nakangising sabi ni Alfie

Namula naman si Bianca at napayuko. Sa inasta nyang iyon ay tila inamin niyang totoo nga ang sinabi ni Alfie.

Napailing nalang ako. I love my kuya alright, but I admit I don't think he's good for Bianca. Masyadong babaero ang kuya ko para sa loyal na kagaya ni Bianca.

"Luna pwede bang humingi ng favor?" ani Bianca

Agad naman akong tumango.

"Ano ba iyon?"

"Kase, nagbake ako ng cake para kay Archer, pwede bang ikaw nalang ang magbigay?"

Napapalunok naman akong tumango.

"Wow ha, lumelevel-up kana Bianca. Your love letters now turned to cake!" puna ni Dawn

"Ay alam ko na, nilagyan mo ng gayuma iyong cake no?" panunuya ni Alfie

"Sira, hindi naman ako ganun ka patay na patay sa kanya." sagot ng nakangiting si Bianca

"Ay te, hindi ka pa pala patay na patay sa lagay na yan?" kunway inosenteng tanong ni Alfie na nagpasimangot kay Bianca

Natawa naman kaming pareho ni Dawn.

"Sya nga pala, may susuotin na ba kayo sa acquaintance party?"

Napaisip ako sa tanong ni Bianca. Wala pa akong susuotin, pero tiyak may idea na si Mommy sa ipapasuot nya sakin. Nasabihan ko na kase iyon tungkol sa theme ng party.

"Ako meron na, si Tita ang bumili galing sa France." sagot ni Dawn

"Really? Then I'm pretty sure it's beautiful since for sure it's expensive! Meron narin akong akin, hindi pa nga lang dumadating since overseas din iyon nang inorder ko."

"Ako din meron na, si Rambo Mendoza ang gumawa." aroganteng sabi ni Alfie

Rambo Mendoza is one of the country's iconic fashion designer. Alfie is rich kaya hindi kataka-takang napagbigyan siya ng  tinitingalang si Rambo.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon