Chapter 19

2K 60 5
                                    


10 years later

"Numbers like..." I started writing at the white board "are said to be written in scientific notation. It is the manner of expressing a number as a product of a number between----Mister Sacay, what are you laughing at?"


I glared at my student. With my brows perfectly shot up.


Natahimik sila bigla at nagsiyukuan.



"A-Ah, si Kim po kase Ma'am..."


Hindi nya natapos ang pagsasalita dahil halatang pigil na pigil nya ang tawa.

Hinilot ko ang aking sentido at pilit na pinapahaba ang pasensya.


"Anong nakakatawa?" pag-ulit ko gamit ang seryosong boses habang nakakrus ang mga braso


I really hate it when someone interrupts me dahil nawawala ang gana ko.

"Si K-Kim po kase..."


"Umotot po ako Ma'am," pag-amin ng nakayukong si Kim

Nagtawanan naman ang mga estudyante na agad ding nagseryoso nang tignan ko ng matalim.


"Nasa likuran mo lang ang cr, Mister Sanorio, I know you know that. Next time na may tatawa sa klase ko, quiz agad. Nagkakaintindihan ba tayo?" mahinahon kong sabi

"Yes Ma'am." sabay-sabay nilang sagot


I nodded and composed myself before continuing.


Ten years ago, I left Limasawa to study education at USJR Cebu. It was damn hard for me dahil pinagsabay ko ang pagmomove-on at pag-aaral pero....nakaya ko naman. I graduated as Cum Laude and immediately passed the board exam. I worked in a private highschool in Cebu for experience and then went back here in Limasawa to teach here, for good.


This is me now. I am a public highschool teacher for almost 4 years  already and....yeah, I'm surviving my job. And I'm surviving life.



"Don't forget to pass your assignments tomorrow, okay? Class dismissed."



Inayos ko ang dala-dala kong mga gamit at kinarga ito patungong faculty.



I smiled at my co-teachers and went to my table to check my schedule. Minasahe ko ang aking sentido nang makitang mayroon pa akong limang klase sa araw na ito.



"Okay ka lang ba besh? Magsnack ka muna oh, meron akong ensaymada dito oh," alok ni Carm, co-teacher kong u-uh, bakla




"Okay lang ako Carm. Nagpipigil na kase ako sa sweets intake ko kaya hindi ko muna tatanggapin yan."



Nagmake face siya at kinuha ang ensaymada.



"Sus, kung ako ang nag-aalok, tatanggi-tanggi ka, pero kung si Sir Vince, 'oh sige Sir, salamat.' che." panggagaya nya gamit ang malanding boses



I cringed.



"Hindi ganyan ang boses ko ah. Tsaka nahihiya akong tanggihan siya."



"Sa kanya, nahihiya pero sa akin hindi? Ay sabagay...pero besh, ano? Type mo na ba si Sir? Aba eh mag-iisang taon na ata yung nagpaparamdam sayo ah."




"Gaga, anong nagpaparamdam ba? Multo?" biro ko



"Ay hala siya! Manhid-manhidan ang peg. Kaya ka walang jowa eh!"




Scarred HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant