Chapter 13

21.4K 536 52
                                    


"We need to talk." I breathlessly utter, and take a deep breath. hardly close my eyes and open it afterward. I can do this. 

"Where are you?" he asked, with a serious tone of voice. Sobra akong kinain ng kaba ng marinig ang tono ng kanyang boses, tumayo ang mga balahibo ko sa takot. Pero pilit ko itong iniwasan at nanatiling buo sa aking desisyon. 

"Let's meet tomorrow," sambit ko, at pinutol kaagad ang linya. Nanginginig ang kamay ko dahil dito at hindi ko magawang tumayo ng tuwid dahil sa sobrang panlalambot ng aking mga tuhod.

Hindi ko pa ata kaya, parang hanggang ngayon ay hindi ko pa 'rin kakayanin. 

***

Blace's POV

"Sir Cj," sa aking narinig agad akong napatingin sa pinto ng bahay ng magsalita yung service maid namin dito, minsan lang kasi siya pumupunta pag kailangan ng katulong dito sa bahay, gaya ngayon, ako lang mag-isa dito at wala akong katulong sa pag-aalagan kay Milo at sa gawaing bahay, kaya nandito siya.

Bakit nandito itong lalakeng ito? Sumama tuloy timpla ng dugo ko, parang biglang kumulo. 

"Oh, manang nandito ka po pala, morning," nakangiting bati niya dito. Agad akong lumapit kay Milo at binuhat siya, iiaakyat ko na sana siya sa taas.

"Hep, saan ka pupunta?" bago ko man' magawa ang binabalak ko ay agad na siyang nakalapit sa akin at humarang sa aking dadaanan.

Pero hindi ako nagsalita, at binigay sa kanya si Milo, pagkatapos ay nilagpasan ko siya. Please lang kahit ngayon lang wag niya naman sanang sirain ang araw ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan yung laptop ko, manunuod na lang ako tutal nandyan naman siya, siya muna ang magbantay kay Milo. Sinuot ko ang headset ko at agad plinay ang Theory of Love series na paborito ko. 

I was busy watching, when I felt his irriatating presence around, so I instantly glance at him, there he is sitting in my bed together with Milo, sitting on his lap. 

"Bakit ka nandito?!" pasinghal kong tanong at halosmagdikit ang kilay ko dahil sa sobrang pagkakakunot nito. 

"Wala ako dito, sige na manood ka na d'yan isipin mo na lang na wala ako dito," sambit niya at nilaro si Milo sa kama ko. Ano sinabi niya?!

"Paano kung sabihin kong ayaw kong na sa loob ka ng kwarto ko," nagmamaldita kong sambit at tumayo, pinagkrus ang aking braso at tinaasan ito ng kilay. 

"Alam mo Blace, ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa," ani nito, tumayo siya at hinayaan si Milo sa kama habang naglalaro ito, at lumapit sa akin.

"Ano?!" sambit ko, naiirita ako tuwing lumalapit siya sa akin. "I like you," diretso nitong sambit at pinatong niya ang dalawang kamay sa table na na sa lirukan ko. It turned out that I'm locked up between his arms. 

"Hoy, ikaw! kung ito ang bagong style ng pangaasar mo sa akin, pwedi ba tigilan mo na! Ayaw ko na ng away!" muntikan na akong mautal doon, buti na lang hindi iyon nangyari.   

"Hindi ito bagong style." He said. "Ha?" Ano bang ibig niyang sabihin?!

"Bagong feelings 'to," he said,  kinilabutan ako sa banat niya, sobrang corny! Agad ko siyang tinulak at umalis sa harap niya, lumapit akon kay Milo sa kama. "Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo, hindi ako pumapatol sa lalake noh!" I said with a disgusted expression written all over my face.

OVERLY CRUEL(Purely Unedited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon