Kabanata 2

364K 15.3K 18.6K
                                    

Kabanata 2

"Ikaw na mag-bigay nung permit," Gio said.

My mouth immediately crumpled into a scowl. Halos mapunit ko gamit ng titig ang papel na nasa kamay ni Gio.

I let out a long sigh and arched an eyebrow at Gio.

"Hibang ka ba? Di ba nandoon ka nung muntik na akong mapatay ng lalaking 'yon sa sama ng loob? Tapos ako pa magbabalik ng permit?"

Nakakuha na kami ng permit galing kay Ms. Frias kaya naman ibibigay na namin 'to sa STEM 1 kapalit nung pinahiram nilang permit kahapon.

"Ikaw naman kumuha e," pagdadahilan ni Gio.

I wanted to refute him, pero may mga bumati kay Gio habang nasa hallway kami. Tatakbo 'yata 'to bilang Mr.Congeniality sa dami ng kakilala niya. Partida ay sa strand pa lang namin bukambibig na siya.

"Oy ako! Gusto ko mag-balik ng permit!"

Napangiti naman kaagad ako nang dumating si Melanie.

What a life saver! Dumadating talaga ang mga kaibigan mo kapag kailangan na kailangan mo sila. Tuluran si Melanie, isang dakilang kaibigan!

"Sige, samahan mo si Zafi."

Napatingin ako kay Gio, staring daggers at him. He only shrugged his shoulders. Ito naman 'yung mga kaibigan na masarap itakwil.

"Hindi mo talaga ako tatantanan ano?"

Gio just smiled at me.

Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Kasama ko naman si Melay, medyo makapal din mukha nito kaya kahit siya na lang siguro magbigay nung permit mismo.

Pakiramdam ko ay may bakal na tinali sa aking mga paa. Every step I took was getting heavier as we slowly reached our destination. Pakiramdam ko ay may mga kidlat pa nga sa paligid ko nang huminto kami sa harap ng room ng STEM 1.

The horror of facing one of the most embarassing things you've done in your life.

Nang makarating kami sa room ng STEM 1, nakita ko na may sino-solve sila sa whiteboard. General Mathematics 'yata dahil halos pareho sa tinuturo saamin.

Nasa harap din si Sarathiel at nagsasagot. Medyo umawang ang bibig ko nang makita na mabilis siyang nag-solve sa harap. Mukhang hindi lang ako ang na-amaze dahil napatili si Melanie.

"Magaling ba talaga sila sa Math? Ang bilis naman niya mag-solve!" Melanie said in awe.

Bumalik ako sa ulirat ko. So, what? GenMath lang naman 'yan. As long as you keep in mind the positive and negative signs while solving with the proper formulas, you'll manage it.

Habang tinatanaw namin ang mga tangkay na nagsasagot. Tiningnan ko ang isa sa mga tanong doon.

It is a test use to determine if a function is one-to-one function.

The side of my lips lifted. That's easy.

Horizontal Line Test.

Nawili ako sa pagsagot ng iilang tanong na hindi kailangan i-solve.

It is the inverse of the exponential function.

That's Logarithmic Function for sure.

A function for which every element of the range corresponds to exactly one.

I smiled in satisfaction. Hindi pa rin pala ako kinakalawang sa General Mathematics. The answer is One to one function.

Nakita ko na halos tama ang mga sinagot ko sa utak ko. I swear, GenMath is easy when your Prof is good and also if you just keep on studying the gist of it.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon