Kabanata 34

218K 12.5K 16.4K
                                    


Kabanata 34

"Cait, kanta ka naman!"

"Anong kakantahin ko?" Cait said, she was sitting beside Sarathiel. Panay ang tingin niya kay Sath na may tinitipa sa cellphone.

Sath oddly looks relaxed. Ako lang 'yata ang hanggang ngayon ay hindi magawang mapakalma ang puso.

"Wala na bang pag-ibig." Gio suggested. Nabilaukan si Ade na umiinom ng mango shake.

"Gagio," I laughed. "Wala na bang pag-ibig sa puso mo?"

Ngumisi siya saakin. "Ako ba, Zafirah? Baka mali ka ng tinatanungan."

Ngumuso si Cait. She really does look pretty. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nagiging sagabal sa kanyang paningin.

"Hindi ko 'yun alam e. Ano pa ba?" Cait asked Gio.

Gio looks up as if he's really thinking. Seryoso siyang bumaling kay Cait.

"Kung ako na lang sana."

Tumikhim si Sarathiel kaya napalingon ako. Kumuha siya ng juice at nilagok ito.

Ngumuso si Cait at umiling. "Hindi ko 'yon kabisado e."

"Ako na lang maga-adjust. Ako na lang kakanta." Boluntaryo ni Gio st kinuha ang mic.

Nagpanggap pa si Gio na nag-gitara."Tayo na lang dalawa! Tayo na lang magsama!"

Tawang-tawa si Ade kay Gio. "Ang senti ng mga kanta mo, gago!"

"Naku, mas matindi pa rin mga kantahan ni Arrisea!" Gio laughed while shaking his head.

Humagikgik si Cait. Inabot niya kay Sath 'yung song book. Tumingin lang sa kanya si Sath.

Sath looks annoyed though. Pinili ko na lang huwag alamin kung bakit. Bakit ayaw niyang masyadong close si Gio kay Cait.

Imposible namang dahil sa akin. Hindi ko alam bakit naiisip ko pa ito. I shook my head in dismay.

"Iscalade, pwede tayo mag-duet?" tanong ni Cait kay Iscalade.

I looked over Iscalade. Agad naman na nanglaki ang mga mata ni Iscalade. Tinuro niya pa ang sarili niya habang nakaawang ang labi.

"Ako?"

Ngayon ko lang napagtantuan na 'yung kausap niyang babae ay si Philomena, she looks different because her hair isn't braided and she isn't wearing her glasses.

Caitlyn blushed and bashfully nodded her head which made me frowned. Bakit naman siya mamumula sa tanong ni Iscalade?

"Anong kanta?" bumaling si Iscalade sa direksyon namin. He was too preoccupied with Philomena.

"Why don't Zafirah choose for us?" ngumiti saakin si Cait. "I wanna get close to her too."

Hindi ko alam bakit iba ang titig saakin ni Cait. If Czanne has a friendly aura, Caitlyn definitely knows how to use her charms well.

Gio bit the inside of his cheeks. He looks at me and rolled his eyes. I decided to go along with it despite of how Gio reacted.

"Go, Zafi." Gio leaned to whisper. Tumawa naman ako sa kanya at tumingin kay Cait.

"Hate That I Love You?" I blurted out. It was a song I used to really bop into and the only duet song I remember as of now.

I don't know why but I can feel Sarathiel staring at me. Uminit ang pisngi ko at medyo bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam bakit sa simpling titig ay bumukas na ang kulungan ng mga paru-paru sa tiyan ko.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon