Kabanata 21

278K 12.1K 12.6K
                                    

TW: Depression

Kabanata 21

"Grade 12, huh?"

First day of being a grade 12 and I can already feel the difference between being a grade 11 and grade 12 student.

Nangangapa ka pa sa grade 11 pero ngayon na grade 12 ka na ay mas may alam ka na o mas inaasahan nilang may alam ka na sa pagiging isang senior high.

The difficulty of the grade level actually depends on how your school distributes your subjects. Ang ibang mga kakilala ko sa ibang school ay mas nahirapan sa grade 11 dahil nga iba sa kasanayan at agad na binigay sa kanila ang mga hardcore na specialized subjects ng strand nila. However, in UJD we were more focused on the core subjects during grade 11. Ngayong grade 12 pa lamang namin mae-encounter ang mga specialized subjects na 'yon.

Personally, there's advantages and disadvantages for both side. Mahihirapan ka man sa grade 11, at least kapag grade 12 ka na mas marami kang oras para sa mga entrance exams kung balak mo pang lumipat. Kabaliktaran naman ito kapag hindi ka masyadong nahirapan sa grade 11, you'll be bombarded during grade 12.

"Hi Gio," I greeted Gio who was surprisingly silent. He returned the greeting with a smile.

"Sungit naman natin ngayon," I nudged him, hindi ako sanay na tahimik siya.

"Nagbabagong buhay na ako," his forehead creased. "Ayoko na maging friendly."

I laughed because that was the sole reason why our former classmates voted for him to be the class president last year. Friendly kasi siya nung first day pa lang kaya napagtripan tuloy.

Wala pa kaming homeroom teacher. I scan the classroom with my eyes, most of the faces are familiar and some were new. May mga nilipat kasi ng section dahil hindi nila naabot 'yung average para sa section 1.

Hindi ko na rin kaklase si Stacy. Bawas sa mga free loader sa room. Pero nandito pa rin si Ria dahil kahit papaano ay nakasabit ang grades niya.

"Zafirah?" someone called my name.

"Ade!" I greeted back. "Nilipat ka pala ng section."

"Yeah, I guess?" he shrugged his shoulders. Nadagdagan na naman ng gwapo ang room namin.

Dumating ang homeroom teacher namin. Lalaki ito at hindi tulad noon ay medyo may edad na kumpara sa mga teachers namin noong grade 11. Halatang hindi na fresh graduate.

"Dictate your name and your age. After that, recite what you know and what you wanna learn about accountancy."

What the frick?

『••✎••』

I was freaking traumatized! Unang araw pa lang namin, may surprise recitation! Tapos grabe pa 'yung tension kasi di mo alam kung may sense ba 'yung sinasabi mo. May muntik pa ngang maiyak kasi di niya alam kung ano 'yung gusto niyang malaman tungkol sa accountancy.

Hindi kasi pinapaupo hanggang di siya satisfied sa sagot mo.

"Di ako prepared," napaawang ang bibig ko.

"Ang order ko bagong buhay, bakit ako bibigyan ng surprise recitation?!" reklamo ni Gio at ginulo pa ang buhok niya.

"Ulol! Nasagot mo naman e! Ikaw na nga favorite kaagad no'n kasi ikaw kaagad pinaupo niya kasi nagustuhan niya sagot mo!" I accused Gio.

Kahit gaano kaloko itong si Gio, hindi naman mapagkakaila na matalino talaga siya. Ikaw ba naman maging anak ng bumuo ng SP Law Firm e. The home of the best CPA lawyers in town.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon