Kabanata 4

298K 17.4K 21.4K
                                    

Kabanata 4

"So as an achiever, does the expectations of your classmates and teachers affect your daily routine in your class?"

"Sakto lang," he rested his head on the chair. Halata sa mga mata niya na inaantok na siya.

He has brown eyes — I was able to notice it since we're closely infront of each other. Sabi ko na may lahi itong lalaking 'to e. Sayang lang talaga at naging kampon siya ng kadiliman.

"Sagutin mo naman ako," I gritted my teeth. Gusto ko na rin umuwi kaso wala siyang matinong sagot!

Kanina pa siya nakikipagtitigan lang saakin. Ilang oras na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa akong matinong sagot na nakuha sa kanya.

Ano ba ito? Paunahan matunaw sa titig?

"Sinasagot na kita," he gave a small smile. Nagtaas naman ako ng kilay.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Why was he so complicated to talk to?

Nakita niya 'yata na malapit ko nang i-bato ang notebook ko sa kanya kaya nagsalita ulit siya.

"Honestly, di naman. Pumapasok lang 'yata ako para matulog."

My jaw dropped at his statement.

"Paano ka naging high honor kung natutulog ka lang naman?!"

"Napapaginipan ko 'yung mga sagot," he said and looked at me mischieviously.

I grimace at his statement. "Bangungutin ka sana."

I'm at the verge of giving up. Pero hindi naman kasi pwedeng hulaan lang ang mga sagot ng respondent. The answers from them will solidify your research. Kapag wala kang respondent, parang wala ka ring ebidensya na totoo nga ang research topic. Sometimes, RRLs are not enough to complete your research.

Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil halos wala pa akong lunch.

Sarathiel was able to read my mood. Umayos siya sa pagkakaupo at tumikhim.

"Are you hungry? Gusto mo kumain muna?" tanong niya. Napatingin tuloy ako sa relo ko, this time I made sure my watch works well.

Anong oras na pala. Hindi pa ako kumakain. Ang tagal kasi sumagot nitong kumag na 'to e.

"Bibili ka? Lilibre mo ako?" I teased.

Sumilay ang isang ngisi sa labi niya. Dang it, sana talaga ay hindi ko na lang nalaman ang ugali niya. Baka isa siya sa mga inspirasyon ko para maka-graduate with flying colors!

"Sige lang, gusto mo ba?"

Sino ako para tumanggi sa grasya?

I nodded my head eagerly.

Tumayo na kami upang tumungo sa Main Cafeteria. Maraming mga senior high sa cafeteria na ito dahil mas malapit sa mga building namin. Nasa kabila pa kasi ang sa college kaya may sarili silang cafeteria roon.

Pumunta kami sa Main Caf para kumain. Ilang minutong lakad lang naman ito sa pinanggalingan namin.

Libre mo pala, ah?

I smiled to myself, trying to hide my hidden evil thoughts.

Nang nasa counter na kami at pipili na ng pagkain. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang napaka-tamis.

"Libre mo, right?"

He looked at me and furrowed his eyebrows.

"Tao ka ba o sirang plaka? Ulit-ulit?"

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon