Kabanata 12

276K 15K 21.2K
                                    

Kabanata 12

Hindi ako pinapansin ni Clary. Maaga rin siyang umaalis ng bahay kaya di kami nakakapagusap. Wala akong magawa kundi hintayin na kumalma siya para makapagusap talaga kami.

Hindi ko naman kasi talaga pwedeng pagpilitan ang gusto niya. Ang daming lalaki sa mundo, hindi naman sila limited edition. Ang pangit lang kasi tingnan na hinahabol niya si Sarathiel na hindi naman nagpapakita ng motibo sa kanya.

Mas mainam pa nga 'yatang lumandi sa bato kesa kay Sarathiel na hindi ka na nga papansinin — tatarayan ka pa.

The Intramurals ended, iba't-ibang strand ang nakakuha ng trophies sa bawat kategorya. Although STEM got the highest number of trophies and ABM came second, it was a close call. May araw din talaga 'yang mga tangkay na 'yan saamin.

"Adren! Pwede ka ba maging sugar daddy? Kung hindi, kahit daddy na lang! Rawr!"

Napatingin kami sa itaas ng building ng TVL at nakitang may babaing nakasilip doon at nakasandal sa railings. Kumindat siya kay Adren saka umalis.

"I won't judge your taste," I said as I recognized the girl as the Ms. Intramurals during our Intrams.

Ang wild naman ng type ng anak ng mafia na 'to. Pero maganda talaga siya kahit maikli lang 'yung buhok niya. Siya 'yung tipong girl crush, ganun?

Hindi sumagot si Adren. He just shrugged his shoulders. Inayos niya rin 'yung buhok niya bago siya naunang maglakad saakin.

Nakita ko naman si Bea at Melay sa Bonanza Area. Nilapitan ko sila at nakita kaagad ang problemado nilang mga mukha.

"Bakit?" I asked as I went to them.

"GC," sagot ni Melay.

I checked my phone for notifications and messages. Ang GC namin para sa buong section ay naglabas ng isang announcement.

Presidente Gio:
Summative raw next week y'all.

Handa na ba kayo?

HAHAHAHAHA

My lips went slightly agape because of what I've read. What the hell? Ang dami pa namang gagawin! Bakit kami tinatambakan!

In Senior highschool, mas gugustuhin mo na lang maging octopus. Ang dami talagang gawain tapos isa ka lang. Di ka naman pwede mag-taympers o sumigaw ng sandali!

Ang swerte mo kapag nag-extend ang deadline. Malas mo kung kinabukasan kaagad ang pasahan. Sobrang malas mo kung surprise ang pasahan ng notes niyo tapos di ka pa pala gumagawa.

"Summative? Meron pa tayong gagawin sa ibang subjects ah!" reklamo ni Melay.

"May practical research pa tayo," Bea sighed exasperatedly.

"Ilang subjects pa 'yung it-test natin." Napabuntong hininga na lang din ako dahil naalala ko ang MATH002.

Halatang problemado kaming tatlo habang nakapila sa bilihan ng snacks sa Bonanza Area.

Bumili lang ako ng softdrinks pati chips dahil nakalimutan ko magbaon ng pagkain. Ang bigat din kasi sa bag pero wala akong magawa kasi ang pagkain namin sa school ay gawa sa gold.

Pumunta kaming main caf at doon kumain. Although, it was just our short recess so we didn't really eat a lot. Nasa mukha namin ang problema namin dahil malapit na ang summative.

"What's with your face?" Sarathiel sat beside me. I tilted my head to his direction.

"Kagandahan."

"What the fuc—" bago pa siya makapag-reklamo ay sinubuan ko na siya ng tsitsirya na kinakain ko.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon