Kabanata 13

277K 14.4K 16.3K
                                    

Kabanata 13

Inabangan ko si Sarathiel sa Bonanza Area nang maguwian na. I just got the results of my summative tests. Nang makita ko siyang nakapamulsa ay kaagad ko siyang nilapitan.

Pinangpunas ko kunyari ng imaginary pawis ang test paper ko sa MATH002. It was obviously to flaunt my score.

"Grabe, Sath. Ang init talaga. Tignan mo 'tong score ko, 45 lang naman over 50." I said, with smug look on my face.

"Grabe, ang galing mo. Congrats," he said in awe.

"Ilan ka?" I smiled at him.

"Huwag mo na alamin. Nakakahiya." He acted shy.

Hinampas ko siya sa braso. "Para ka namang others! Dali na, I won't judge."

Kinuha niya sa knapsack niya 'yung test paper niya at inabot saakin.

"Huwag mo ako pagtatawanan, ha?"

I chuckled. "Oo naman! Ikaw kaya nagturo-"

49 over 50. That was his score.

"Nahiya ka pa 'no. Di mo pa ginawang 50." I scowled.

Ngumisi siya. "No one's perfect, Zaf."

I'll be lying if I tell others that we're not friends. We became close after reviewing for the summative.

I did say that I'm attracted to smart people since I like talking with people who have substance.

As I look closely at Sath, I bit my lower lip and smiled.

I think I have a crush on him.

『••✎••』

"The more you hate, the more you love." Halakhak ni Melay nang kinuwento ko sa kanya na feeling ko crush ko si Sarathiel.

Nasa Main Library kami ngayon. Kumukuha kaming mga RRL para sa Practical Research namin.

Hindi ko kasi alam bakit tirador ako ng mga matatalino. Even my past crushes were from section 1. Minsan nga kaklase ko pa basta nasa top 10 siya, isa na siyang prospect ng aking feelings.

"Di ko alam paano ko sasabihin kay Clary. Sabi pa naman niya gusto niya maging tulay saamin." I nervously said.

I feel like I'm betraying Clary and I'm being insensitive towards her. Kaya di ko rin masabi kaagad kay Sarathiel dabil baka masaktan si Clary. I know she's still not okay.

I want to talk to her about it.

"Tulay? Bridge? Ano kayo building? Bakit kailangan ng tulay?" Melay arched an eyebrow.

"Ewan ko nga e. Natatakot din kasi ako na baka dahil kay Sath mag-away ulit kami. Di ako sanay na gano'n."

Clary was the one who liked him first. Para namang ang sama ko kung aagawin ko sa kanya si Sarathiel.

"Naku, kasi alam naman ni Clary na may sexual tension-"

"Melay, ano ba 'yan!" namumula kong siniko si Melay. Tumawa naman siya.

"Alam mo 'yun? Ikaw lang 'yata walang alam e. Totoo ngang na-bobobo sa pag-ibig mga matatalino 'no?"

"By the way, malapit na pala ang field demo. Makakalaban na naman natin strand ng bebe mo." Kumindat siya sa akin.

Ito pa 'yung isang awkward. Magka-iba kami ng strand. Madalas talaga ay nagiging kalaban namin sila sa mga activities sa school. Minsan pareho pa kaming participants ng mga quizbee.

"Kalat kaya sa STEM at ABM ang tungkol sa inyo. Ikaw naman kasi- sa dami ng mga STEM na nagkakagusto kay Sarathiel, mas ginusto niyang makasama ang isang ABM na tulad mo."

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon