Kabanata 8

271K 15.2K 18.6K
                                    

Kabanata 8

It was our undas break. Prente akong naka-upo sa dining table at ka-text si Sarathiel.

Zafirah:

May dadalawin ka ngayong undas?

Sarathiel:

Dadalawin ko 'yung mga patay na patay saakin.

Zafirah:

Mamatay ka na. :)

"Samahan mo ako sa SM, Zaf." anyaya ni Clary. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang kumunot ang noo.

It was unusual for her to ask me to accompany her to the mall. Madalas ay mas gusto niyang solo siyang nags-shopping dahil matagal siyang mamili ng damit. I wanted to make sure of something so I decided to text her, just in case her reason cannot be said out loud.

Zafirah:

Makikipag-eyeball ka 'no?

Clary's phone rung. Agad naman niya itong kinuha at napakagat siya sa kanyang labi. Agad siyang nag-tipa sa kanyang cellphone.

Clary:

Ang jologs naman ng eyeball, Zaf! Pero yes, makikipag-kita ako sa naka-neargroup ko. I'm curious with his face e. Pa-mysterious.

I straightened my posture. Agad ko siyang sinilip at nakitang halos nagmamakaawa ang mga mata niya. I wasn't sure if this was a safe idea but Clary is someone you cannot say no to.

Zafirah:

Baka magalit si Tita. At saka safe ba 'yan?

Clary:

Ako bahala. And yeah, I made sure sa crowded area kami mag-kikita!

I sighed in defeat. Napangiti naman si Clary nang makitang hindi ako makakatanggi sa kanya. She was the only one I'm close to in this house. Ayoko naman na pati siya ay hindi ako kinakausap. Tita Clara and I are civil to each other. Si Kuya Carlos naman ay college na kaya di ko rin nakakausap. Nasa abroad naman ang papa nila.

I nodded my head. Umakyat na ako para makapagpalit ng damit. Itinali ko ang buhok ko para presko. I wore a plain white tee and tucked it in the waistband of my jeans.

Kaya naman pagkababa ko ay laking gulat ko sa suot ni Clary. She was wearing a fitted crop top and a high waist shorts. Nadepina nito ang hubog ng kanyang katawan. She's really sexy for her age.

On the other hand, I feel like I'm not even seventeen yet. Mukha akong nasa junior highschool pa lang.

"Let's go?" she was trying to contain her excitement.

"Yup," ngiti ko sa kanya.

The nearest SM was actually near in Tita Clara's house. Isang jeep lang ay nandoon ka na kaagad. Kaya naman mabilis kaming nakarating sa mall.

We waited infront of the department store. Ayaw kasi niyang pangunahan ang date niya kung saan sila kakain. I get her point, kung sakali ngang maghintay kami sa isang resto baka roon na rin sila kumain. I roam around my eyes to check if there was any guy around, so far there's none.

She was nervous because she kept on pacing back and forth. I could see the redness in her cheeks but at the same time the dread in her eyes.

"Are you okay?" I asked.

"What if— pangit siya?"

"Seryoso ka ba? You're worrying yourself over that? Ikaw 'tong nakipag-kita e." I scolded her.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon