SIMULA

1.8K 155 134
                                    

SIMULA



"One good pass ang una nating kailangan na magawa pagkatapos ay combination play tayo. Diane one good play para kay Mika dalhin mo sa middle para marami siyang pwedeng gawin." Sabi ni coach at agad na tumingin sakin "Mikaela kailangan tayo ang unang makapuntos hanggang 15 na lang ang set na ito kaya dapat tayo ang mauna."


"Yes coach, ako pong bahala" sagot ko at binalingan ang aking teammates. 


"Guys we need to be jolly inside the court, wag kayong masyadong tense kasi sila ang dapat kabahan dahil tayo ang defending champions. Kailangan makuha natin ang panalo para makapasok tayo ulit sa semifinals maaasahan ko ba na maganda ang ilalaro natin sa huling set na ito?"


"YES CAPTAIN!"


"HEY LADY VOLTS!" sigaw ko at tinaas ang aking kamay ganon din ang ginawa nila.


"ONE TEAM!" malakas na sigaw nila.


Hindi nagtagal ay pumito na din ang referee hudyat na simula na muli ang laro, service ng Saint Agustin University. Nakita kong sa akin papunta ang bola kaya naman ni-receive ko ito ng maayos papunta kay Diane at agad na ginawa ang combination play na gusto ni coach. Naunang tumakbo ang middle blocker namin para umaksyon ng quick at nakuha niya ang dalawang blocker ng SAU kaya naman ng ini-spike ko ang bola ay wala ng kahirap-hirap pa.


"MIKA DELA CUESTA!" rinig kong sigaw ng announcer agad kaming nagapir ng aking mga kasama.


"Nice one kapitana!" sabi nila at mabilis na ding bumalik sa kanya-kanyang pwesto.


Naging mainit ang laro ng magkapalitan ng puntos, masyadong palaban ang SAU ngayon kumpara noon pero hinding-hindi naman ako papayag na kami ang matalo.


13-13


Service ng SAU kaya naman sobrang tutok ang lahat, halos wala na ang ingay na maririnig sa crowd ng dahil sa sobrang intense ng laro. Si Gab ang nakakuha ng first ball na agad namang sinet ni Diane sakin, nakita ko kung paano umatras ang depensa ng SAU kaya naman agad akong nag adjust sa ere at drop ball lang ang ginawa ko dahilan upang makakuha ulit ng puntos.


"MIKA! MIKA! MIKA!" rinig kong sigaw ng lahat, agad akong tumakbo papunta sa service area.


"Let's go service Mika!" paalala ni coach at tanging tango lang ang sagot ko at agad na iginala ang mata ko sa loob ng gymnasium at ng makita ko ang mga kaibigan ko ay agad akong napangiti ng mapait ng mapansing wala pa nga siya.


Hindi pa ba tapos ang laro nila?


"Now serving for the match. Team captain of HNU, Mika Dela Cuesta" sabi ng announcer kaya naman dinrible ko na ang bola, huminga ako ng malalim at naghihintay ng pito ng referee.


"GO MIKAY!" agad na nakuha ang aking atensyon ng dahil sa pamilyar na boses.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon