3

494 139 34
                                    




The next day, maaga akong nagising at tulad ng inaasahan mabigat sa loob kong hinarap ang panibagong araw kaya naman mas pinili kong makapasok ng maaga.


"Twinnyyy." tawag sakin ng kararating na si Mich "Sorry kahapon hindi na ko nakasunod sa gym ha nagtalo na naman kasi kami ni Fonzi eh." dagdag niya.


"It's okay." tipid kong sagot.


"By the way, how was your training?" excited na tanong niya na para bang may inaasahan na mangyari.


"Ayos naman, just the usual" sagot ko.


"Paanong the usual twin?" nagtatakang tanong niya.


"I did my best during practice and that's it" sagot ko. I want to change the topic dahil alam kong kukulitin niya lamang ako ng husto kapag nalaman niya ang nangyari.


"I already know that." she said then she rolled her eyes.


"Then what's the point of asking?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko.


"The point of asking is kung meron bang nangyari sa inyo ni Stan." sagot niya na ikinatigil ko.


Stan, bumalik na naman ang bigat na nararamdaman ko sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan nito.


"N-noting happened." nauutal na sagot ko kaya naman pinaningkitan niya agad ako ng mata.


"Mikaela Ruiz alam ko kapag nagsisinungaling ka." mariin na sabi ni Mich.


"I'm not lying, baka sa kanila ni Gab merong nangyari." huli na ng ma-realized ko ang sinabi ko.


"What the hell!" sigaw niya sabay tayo na nakaagaw ng atensyon ng iba naming kaklase.


Inabot ko si Much at pinaupo muli "Calm down Mich please ayoko ng issue baka may makaalam ng pinaguusapan natin." nag-aalalang sabi ko.


"Tell me what exactly happened jusko naman naiinis na talaga ako sa babaeng yon ha." naiiritang sabi nito.


"Sabay silang umalis ni Stan kahapon and mukhang hinatid siya ni Stan, that's it. No big deal." sagot ko dito.


"No big deal? The hell Mikaela Ruiz hindi naman ganyan dati si Stan ah, gusto mo ba kausapin ko na siya?" sabi ni mich na mukhang desidido talaga sa gustong gawin pero agad akong umiling.


"Stan and I are just friends. You don't have to say anything to him." mahinang sagot ko.


"Yeah right, friends lang kayo na halos hindi kayo mapaghiwalay. Friends lang kayo na halos lahat ng desisyon na gagawin mo ay nakaasa pa sakanya at ganon din siya sayo. Oo nga, magkaibigan nga lang talaga kayo." mapaklang sagot nito.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now