5

462 120 17
                                    




Nagising ako ng medyo madilim pa sa labas, agad kong tinignan ang relo ko at eksaktong alas singko na ng umaga. Agad akong tumayo at pumunta ng CR para maligo, pagpasok ko ay agad na bumungad sakin ang pamilyar na amoy ni Avo. Tinignan ko ang sarili ko sa mahabang salamin na narito at napahawak sa aking labi. Muli kong inalala ang nangyari kagabi.


He's my first kiss, hindi ko alam pero imbis na magalit ako ay parang may kung ano akong nararamdaman. Avo is not just a typical cold guy, he has something good na gugustuhin mong malaman and I'll be honest gusto kong mas makilala pa siya.


As I finished getting ready for school lumabas na ko ng CR and hinanap ng mga mata ko si Avo pero wala pa din ito, pumasok ako sa study room and there I saw him sleeping peacefully pero sa ayos niya mukhang nahirapan siyang isiksik ang sarili niya sa sofa. Kung bakit naman kasi sa sofa pa siya natulog? napakaluwang naman ng kama.


Umupo ako sa baba ng sofa at tinignan ang folder na nakapatong sa lamesang nasa harapan ng sofang tinutulugan niya ngayon and as I open the folder nagulat ako, compilations ko iyon. Tinignan ko ang lahat ng papel na nakaipit dito at mas lalo akong nagulat dahil natapos niya dahilan ng pagbalik ng tingin ko sa kanya. Anong oras siya nakatulog kagabi? hindi ko man alam pero sigurado akong late na.


Avo, bakit mo ba to ginagawa? Hinaplos ko ang kanyang buhok pababa sa kanyang mukha, pinasadahan ko din ng haplos ang kanyang mata, ilong at hanggang sa kanyang mga labi ng bigla siyang gumalaw kaya naman mabilis kong binawi ang aking kamay at maging ang tingin ko.


"Ah gising na, may pasok pa tayo." naiilang na sabi ko.


"Kanina ka pa tapos?" tanong niya at umupo na.


"Kakatapos ko lang magayos" sagot ko dito "By the way, wala akong na prepare na breakfast wala din kasing laman yung ref mo but don't worry I'll treat you later if that's okay?" dugtong ko.


Tumango ito at kinusot ang kanyang mga mata. "Okay hintayin mo ko maliligo lang ako." tumango akosabay tumayo na at ganon din siya ngunit ng akmang aalis na ko ay hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya.


"About what happened last night. I mean it." Sabi nito na seryosong nakatingin sa mga mata ko, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin kaya naman nangunot ang mga boo ko na mukhang nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig. 


"About us." dugtong nito.


"Us? Wala namang tayo." natatawa kong sabi kahit ang totoo ay kumakabog ng husto ang puso ko.


Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sapagkat nakita ko kung paano mapalitan ng nakakatakot na tingin ang pinupukol niya sakin.


"But you responded to my kisses." madiin na sabi nito.


"I know but that is not a valid reason para maging tayo, hindi pa nga natin kilala ang isa't-isa." pagdadahilan ko.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now