13

425 78 5
                                    




Kinabukasan ay maaga akong nagising para magayos sa buong bahay, good thing ay aalis si mama mamaya kaya naman kami lang din ang maiiwan dito.


"Anak andyan na yata sila sa labas, sila yata yung kararating lang na kotse." sabi ni mama kaya naman agad akong nagtungo sa labas.


Nawala ng bahagya ang excitement ko ng makita ko kung sino ang dumating. Iniwas ko ang paningin ko dito.


"I'm sorry napaaga yata ako, babalik na lang ako-"


"It's okay, for sure darating na din yung iba maya-maya." putol ko sa kanya. "Let's go inside" yaya ko dito.


"Anak si Aviele na ba yan? Kakausapin ko muna siya may ibibilin lang ako tungkol sa-" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya ng makilala niya kung sino ang kasama ko. "Bryan?" nalilito siyang tumingin sakin at tumingin muli dito. "Nakabalik ka na pala?"


Napakamot naman sa batok si Bryan bago sumagot. "Ah.. Opo tita." tipid na sagot nito.


Dahan-dahan tumango si mama at tinapunan ako ng makahulugang tingin.


"What brings you here then? Don't tell me you two are back together"


"Ma!" saway ko dito. "Of course not, how could you say that? You know that I'm in a relationship with Avo."


"Naniniguro lang ako Mikaela Ruiz, ayoko lang na dumating ang panahon na may magawa kang disisyon na tiyak akong pagsisisihan mo." sagot ni mama sakin bago binalingan ng tingin si Bryan na ngayon ay nakayuko na tila ba napahiya.


"I'm sorry tita." halos pabulong na sabi nito.


Napabuntong hininga naman si mama bago nagsalita muli. "Siya sige, kahit naman papaano ay may natitira pa kong tiwala sayo. Kung ang anak ko nga na mismong nasaktan mo ay nagawa kang tanggapin dito sa pamamahay ko, ano pa bang magagawa ko?" pagpapagaan ni mama sa loob ni Bryan.


Knowing mama, hindi naman talaga siya masungit kagaya ng pinakita niya kanina kay Bryan. Alam niya lang talaga yung hirap na dinanas ko ng mawala ito kagaya ganon ang asta niya.


"Mauuna na ko sa inyo, may kailangan pa kong asikasuhin. Mikaela yung mga bilin ko."


"Opo ma. Ako na pong bahala dun." sagot ko bago siya nilapitan para gawaran ng halik sa pisnge.


Muli naman niyang tinignan si Bryan. "Ingat po tita." sabi nito at tanging tango lamang ang sagot sa kanya ni mama bago ito tuluyang umalis.


Nang kaming dalawa na lang ang natira ay nabalot kami ng katahimikan. Sa mga oras na ito pinagdadasal ko na sana dumating na ang iba naming mga kaibigan.


"Maupo ka muna. Kukuha muna ko ng maiinom mo." basag ko sa nakakarinding katahimikan.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang