30

392 59 3
                                    




"ELAAAAAAA!" humahangos na sigaw ni Sheena ang pumukaw sa atensyon ng mga kaklase namin kaya naman pinanlakihan ko ito ng mata, nagpeace sign naman siya bilang tugon bago tuluyang pumwesto sa tabi ko.


"Ang daya mo talagang babae ka. Hindi mo na naman ako ginising, late tuloy ako." nakasimangot na ani nito.


"Anong hindi ginising? Ilang beses kaya pero tulog mantika ka lang talaga."


"Ang sabihin mo gusto mo lang talagang solohin si papa Stan." bwelta naman nito na ikinataas ng kilay ko.


"And why the hell would I do that?"


"Kasi may something talaga kayong dalawa." iniyuko ko na ang ulo ko at sinubukan na mag-review ulit. Paulit-ulit na lang din kasi itong pamimilit niyang umamin na daw ako sa isang bagay na wala naman akong dapat aminin.


"Tamo, wala na sad ka gapaminaw nako."


"Sssshhhh..." anas sa kanya ng kaklase naming nasa likod namin.


"Nakalimutan mo na ba? No speaking of bisaya within the campus area, diba. Kaya manahimik ka dyan kung hindi mo kayang sumunod."


"Eh kasi naman ayaw mo pa din umamin kahit na alam naman naming lahat." maktol pa nito.


"Alam ang alin ba?"


"Na kayo talaga ni Stan." akmang aalma na ko ng pigilan niya 'ko mula sa pagsasalita.


"Shut up! Huwag mo ng subukang lumusot. Sa apat na taon nating magkakasama, gets ko na kayo sis."


"Ang hirap mo naman kausap sheen. Magkaibigan lang talaga kami ni Stan." seryoso kong sabi sa kanya.


Napabuntong-hininga naman ito ng mahimigan ang kaseryosohan sa tinig ko.


"Sabihin na natin na magkaibigan lang kayo, but I know hindi kayo magtatagal dalawa ng ganyan kung friends lang talaga. Baka sayo, oo kaibigan lang eh paano naman kay Stan?"


"Basta hindi pwede yang mga iniisip mo."


"Pero gusto ko lang din ipaalala sayo na hindi mo kontrolado ang lahat."


"Pero kaya kong pigilan."


"Yung sayo oo, pero yung sa kanya syempre hindi kasi hindi naman siya ikaw."


"Amaw, hindi ako gusto ni Stan."


Sasagot pa sana siya pero dumating na ang prof namin kaya tanging malalim na paghinga na lamang ang ginawa nito.


It's been four years since I left him. Actually hindi lang siya, silang lahat talaga. I didn't tell anyone at maging si Stan ay walang ibang sinabihan. We both turned down the offer to play in UAAP. Alam ko napakayabang ng dating dahil sino ba naman ang hindi nangarap na makapaglaro 'don, pero may mas dapat akong pagtuunan at 'yon ang sarili ko.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now