31

363 61 2
                                    




"Ano na Stan? Na saan na sila?" tanong ko kay Stan na ngayon ay abala sa pagtawag sa mga kaibigan namin.


Kanina pa kami nandito sa NAIA at naghihintay na sunduin nila. Pero halos isang oras na ay wala pa din sila kaya naman inip na inip na 'ko.


"Teka lang naman, Ela. Ayaw nilang sumagot eh." maktol naman nito.


Napahawak ako sa sintido ko at bahagya iyong minasahe. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng pagbabalik namin ay sana pala hindi na lang kami bumalik.


"Oh ayan na yata sila." ani ni Stan habang tanaw ang isang kotse na ngayon ay huminto sa harapan namin.


Nang magbukas ang pinto nito ay tama nga ang hinala namin. Lulan nito ay si Chris, Angel at Bryan. Mabilis akong niyakap ng mahigpit ni Angel habang si Chris at Bryan naman ay dinaluhan si Stan.


"I miss you Mikaaaa!" aniya batid kong umiiyak ito dahil sa pamamasa ng suot kong t-shirt sa bandang balikat.


"I miss you too." ganti ko naman dito.


Matapos ng ilang saglit ay niyakap na din ako ni Chris at ganon din si Bryan.


"I miss you, Miru." ani nito at saka ako hinila upang yakapin ng mahigpit, ipinaikot ko din ang kamay ko sa kanyang bewang upang yakapin ito pabalik.


Nang tuluyan na itong kumalas ay saka pa lamang ako nagkaroon ng pagkakataon upang igala ang aking paningin upang hanapin ang pinakamamahal ko ngunit nabigo ako.


"Si Michelle na saan?" nagkatinginan naman ang tatlo na animo'y naguusap sa kanilang mga tingin.


"Hindi namin alam." malungkot na tugon ni Angel na ikinakunot ng noo ko.


"Paanong hindi niyo alam? May lakad ba siya ngayon kaya hindi siya nakasama sa inyo?" takang tanong ko at tinapunan ng sulyap si Chris.


He instantly looked away trying to avoid my gaze.


"Halos magkasunod lang kayong nawala. We tried to locate her but we failed. Ang hirap hanapin ng taong ayaw talagang magpahanap." nalungkot naman ako ng dahil 'don.


Hanggang sa buong byahe namin ay lutang ako. Iniisip ko kung kamusta na kaya siya at kung ayos lang ba siya. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-guilty dahil alam kong kasalanan ko din kung bakit wala kaming contact sa isa't-isa.


No one actually knows na aalis kaming dalawa ni Stan after our graduation. I just wrote a letter for them including him. I don't know why the hell did I include him, alam ko namang hindi niya babasahin 'yon but still I made it so I could finally let go. Kaya naman ngayon alam ko na sa sarili kong wala na talaga.


"Mika are you okay?" nag-aalalang tanong sakin ni Angel ng mapansin niya ang paghilot ko sa aking ulo at bahagya kong pagiling.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now