17

362 80 5
                                    




Hindi ko nagawang makatulog ng maayos dahil sa nakita ko. Lalapitan ko sana sila ngunit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob upang gawin 'yon. Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko.


Sino ba talaga si Louisse sa buhay mo Avo?


"Twin, okay ka lang?" tanong ni Mich na nagpabalik sakin sa realidad.


Pansin kong maging sila Angel ay nahinto sa pagkain at nakatingin sakin.


"Okay lang ako."


"By the way, saan ka galing kagabi?" natigilan naman ako sa muling tanong nito. "Naalimpungatan kasi ako nung pumasok ka sa tent tapos tinignan ko yung phone ko, late ka na dumating."


"Malamang nakipagkita na naman siya sa boyfriend niya." hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin ngunit alam kong may ibang ibig sabihin ito.


"Hindi mo gugustuhin ang bagay na pwede mong makita kapag nagpatuloy ka sa gusto mong gawin"


"Hindi kita pipigilan, kung ayaw mong manggaling sakin ang katotohonan tingin ko dapat ikaw mismo ang makakita"


Isa lang ang nasisiguro ko sa ngayon, may alam si Bryan. Hindi ko na nagawang sumagot pa at ipinagpatuloy na lamang namin ang pagkain.


"Good morning, babe." bati ni Avo na kararating lamang.


Kung sa ibang pagkakataon siguro ay abot tenga ko siyang sasagutin ngayon ngunit ng dahil sa nakita ko kagabi hindi ko na alam kung paano ko siya pakikisamahan ng walang pangamba.


"Good morning din." tipid kong bati dito batid ko ang pagtataka sa kanyang tingin ng dahil sa walang kabuhay-buhay kong bitaw ng mga salitang 'yon kaya naman agad akong ngumiti sa kanya.


"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya at kita ko naman ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang labi dahil dun.


"Oo, kumain na ko sa area namin bago ako pumunta dito." bahagya naman akong tumango bilang tugon sa kanya. "What's wrong?" nababahalang tanong nito.


"Wala naman."


"You seem tired. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" ani nito at hinaplos ng bahagya ang likod ko.


"Paano naman kasi hindi mapapagod eh anong oras mo na pinauwi yan kagabi. Malamang sa malamang puyat yan." sabat ni Mich dahilan para mapatigil ako at ganon din si Avo.


"You went out last night?" he asked. Sinusubukan kong pakiramdaman kung may tunog pag-aalala ba sa kanyang tinig ngunit bigo ako.


Nalilito namang tumingin si Mich kay Avo.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now