15

390 79 0
                                    




It's been four days since we won in our volleyball semifinals match. At sa nagdaang apat na araw na 'yon ay kapansin-pansin ang pagiging mailap ni Avo. Siguro ay dahil na din sumali siya sa poster making contest kaya ganon.


Monday ngayon, pero walang maayos na klase dahil abala ang lahat for the upcoming intramurals. Kahit sila Mich at Chris ay missing in action na dahil sa paghahanda nila sa pageant.


"Kapitana pupunta ka ba kanila Avo mamaya?" tanong ni Diane.


Nandito kasi kami ngayon sa gym, inaayos namin ang magiging takbo ng game for intramurals. Kami kasi ang naatasan na mag-officiate sa volleyball.


"Malamang pupunta yan, girlfriend siya eh." natatawang sabat naman ni Rica.


Kumunot ang noo ko sapagkat hindi ko alam kung anong pinupunto nila. "Bakit? Anong meron?" balik kong tanong kay Diane.


"Don't tell me you don't know?"


"Ang alin ba?"


"Hindi mo talaga alam Kapitana?"


"C'mon Diane, hindi naman siguro ako magtatanong kung alam ko right?"


"Today is Avo's birthday..."


Natigilan naman ako sa sinabi niya, tinignan ko ito ng hindi makapaniwala. Shit bakit hindi ko man lang 'yon alam?


Napapahiyang napayuko ako bago sumagot sa kanya "I-I don't know.." nauutal kong sabi.


"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Rica at tumango naman ako bilang tugon dito. "Balita ko pa palaging engrande ang handaan basta kaarawan ng isang Hernandez." dagdag pa nito.


"Ano ka ba Rica? Noon 'yon hindi na natin alam ngayon." ani naman ni Diane.


"Sabagay, baka hindi din siya magcelebrate ng birthday niya ngayon Kapitana."


Nilingon ko naman agad si Diane dahil sa sinabi nito. "Bakit naman?"


"Hindi mo din alam?" tanong nito kaya naman umiling ako bilang tugon. "Nabalitaan mo ba yung nag-suicide last year?"


"Oo bakit?"


"Kapatid niya 'yon.." gulat ko naman siyang tinignan. "Mismong birthday niya pa last year nung nag-suicide ang ito." dugtong niya.


"Anong rason kung bakit nag-suicide ang kapatid niya?" tanong ko at nakita ko kung paano matigilan si Diane.


"Walang nakakaalam Kapitana, naiwang pala-isipan ang lahat."


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon