4

459 135 46
                                    




Halos maluwa ang mga mata ko ng lumabas ang may ari ng sasakyang ito. Mabilis niya akong nilapitan at hinila upang yakapin, sa di ko malamang dahilan I feel safe.


At ng makabawi ako, hinayaan kong mahulog ang folder kong basa na din naman at niyakap pabalik ang taong binalot ako gamit ang kanyang mga bisig at ang taong nagsisilbing panyo ko ngayon

si Avo...


Ramdam ko ang gulat niya ng yakapin ko siya, kahit ako hindi ko din alam kung bakit ko siya niyakap but the only thing I know right now is sobrang saya ko na nandito siya


"Gusto mo na bang umuwi?" tanong nito at mabilis akong umiling.


Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang itsura ko sigurado akong magalala sila mama kapag nakita nilang ganito ako.


"You want to go somewhere?" tanong niya uli and I just nodded as my answer.


Kinalas niya ang yakap namin ngunit nanatili ang kanyang kamay na nakaikot sa bewang ko at binuksan nito ang pinto sa likuran niya at marahan akong pinapasok sa loob ng kotse nya. Isinarado niya ang pinto, akala ko ay susunod na siya ngunit nakita kong may dinampot siya at natitiyak kong compilation ko iyon.


Nang matapos siya sa kanyang pagdampot ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse sa likod at ipinasok nito ang gamit ko doon tsaka siya umikot papuntang driver seat, tinignan niya ko saglit at huminga ito ng malalim bago tuluyan na nagdrive papunta sa kung saan. Tinignan ko ang relo ko, magaalas-sais pa lang. Mabigat ang mga mata ko dahil sa pagod kaya hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog.


Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, black and white ang theme nito kung hindi ako nagkakamali ay kwarto siguro ito ni Avo.


"Gising ka na pala." biglang sabi ng lalaking mukhang kanina pa nakaupo sa sofa.


"Ah. salamat nga pala." nahihiyang sagot ko dito at tinignan ang relo ko pasado alas otso na, sigurado akong nagaalala na sila mama kaya kailangan ko ng umuwi.


Tumayo ako at mabilis na hinanap ang gamit ko na mukhang nahulaan naman ni Avo kaya mabilis niyang tinuro ang bag ko at tumango ako upang kunin ito, lalabas na sana ako ng maalala ko ang compilation ko kailangan ko pang ulitin iyon.


"Ah. Asan nga pala you ng folder ko?" tanong ko dito.


"Wala na, tinapon ko na." sagot nito na ikinakunot ko ng noo ko.


"Tinapon mo? Bakit? Saan? Kailangan kong tapusin yon ngayon uulitin ko pa yon." pinipigilan kong maiyak, kailangan ko yon para makuhaan ang loaded na requirements ko.


"Tinapon ko na." tuluyan ng nanlambot ang tuhod ko.


How dare him throw that papers away! Ilang gabi kong pinaghirapan yon halos wala akong maayos na tulog para lang matapos ko tapos ganon-ganon niya lang tinapon?

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now