7

453 104 8
                                    




Days passed and mas lalong kumalat ang relasyon na meron kami ni Avo, maraming natuwa pero syempre alam kong madami din ang hindi but Avo seems not to care kung may hindi sangayon sa relasyon namin.


Pansin ko din ang mga pagbabago sa paligid ko, ramdam ko ang pagiwas sakin ni Stan at aaminin ko na nasasaktan ako. I didn't expect that because of my situation with Avo ay mas lalong gugulo ang lahat.


"Ma'am sorry I'm late.." sabi ng pamilyar na boses.


Kitang-kita ko naman kung paano kiligin ang mga kaklase ko sa pagdating ni Chris.


"Mr. Redido, welcome back. I hope na okay na ang inaasikaso mo it's been a week."


"Yes ma'am." sagot nito at agad na tinungo ang kanyang upuan sa likod ni Mich.


When our eyes met, he smiled at me pero nung tumingin ito kay Mich ay agad din napalitan ng pagkainis sa kanyang mukha kaya naman natawa ako ng bahagya.


"By the way Mr. Redido about the Mr and Ms Intramurals I hope you would cooperate with Ms. Reyes okay?"


"I'll try ma'am, hirap din kasing pakisamahan ang taong ayaw makisama." nangaasar na sabi nito na ikinakunot ng noo ni Mich.


"I'll see you on Friday then, be ready for your talent portion and Q and A. I'm hoping na kayo ang mapili para magrepresent ng batch natin." muling sabi nito at nagpatuloy na sa discussion.


After our morning class as usual naghihintay si Avo sakin sa labas ng classroom, ito na ang nakagawian niyang gawin and nasasanay na din naman ako maging si Mich.


Bago ko tinahak ang daan palabas ay mabilis akong yumakap kay Chris, gumanti naman ito at bahagyang natawa sa kinilos ko.


"Hindi naman halatang miss na miss mo ko." pagbibiro nito.


Kumalas ako sa yakap at mabilis na hinampas ito sa dibdib.


"Ang daya mo naman kasi, you didn't even bother to tell me about this and I tried to contact you a lot of times pero hindi din kita ma-contact. Ano bang nangyari sayo?"


"I just need to fix some things you know.."


"Sana nga di na ayos agad para wala ka pa dito." bulong ni Mich pero rinig naman namin kaya agad na lumapit sa kanya si Chris at ginulo ng bahagya ang kanyang buhok.


"You can also hug me if you want. You don't need to act like a jealous girlfriend okay?" pangaasar sa kanya nito na mas lalong ikinainis ni Mich


"You wish!" pambawi naman nito at inirapan si Chris.


"Let's go gutom na ko, my treat" Yaya ni Chris samin.


"Dapat lang ano, marami akong kakainin ngayon dahil libre mo." sabi ni Mich dito ng tumatawa.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now